^

PSN Opinyon

Kotong, kotong everywhere!

- Al G. Pedroche -

INGAT daw ang publiko sa mga “mangongotong” anang Malacañang. Hindi lang sa mga pulis matatagpuan ang mga ito kundi maging sa mga taxi drivers.

Mismong Palasyo na ang nagbabala kahapon laban sa mga nangongotong na pulis at mga abusadong taxi drivers lalo na ngayong Kapaskuhan. Pero hindi lang naman tuwing Pasko sumusulpot ang problemang ito kundi “all-year-round.”

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigal Valte, bumuo na ng task force ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para manghuli ng mga taxi drivers na tumantanggi sa mga pasahero at nangongontrata. O, di ba “kotong” din iyan in another form? Basta pinagsamantalahan mo ang iyong kapwa para kumita ng salapi, kotong ang tawag diyan.

Teka, teka. Bakit si Valte na yata ang nagsisilbing spokesperson ng LTFRB? Pero sige. Okay naman itong pagunitang ito para mag-ingat ang taumbayan sa mga hoodlums sa lansangan.

Ani Valte patuloy na nagtutulungan ang mga LTFRB at ang Land Transportation Office  kasama na ang Department of Transportation and Communication at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) upang maparusahan ang mga abusadong taxi drivers.

Ayon kay Valte, maaaring tumawag ang sinuman sa anti-kotong hotline 09188882749 kung saan magiging confidential umano ang ipararating na sumbong upang hindi mabalikan ng mga abusadong pulis ang magsusumbong.

“Speaking of kotong cops, paalala lang po natin ‘yung anti-kotong hotline ng DILG 09188882749, ‘yan po ang anti-kotong hotline ng DILG. Confidential po lahat ng magiging reports niyo po diyan,” sabi ni Valte.

Ituluy-tuloy na sana iyan hindi lamang kung Pasko kundi sa buong taon dahil wala namang panahong nananahimik ang mga linsiyak na mapagsamantala sa ating lipunan.

ABIGAL VALTE

ANI VALTE

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DEPUTY PRESIDENTIAL

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with