'Higanteng panganib'

ILANG aksidente ang mga naitala sa buong Metro Manila nitong nakaraang buwan lamang dahil sa pagbagsak ng mga naglalakihang billboards.                

Ilan sa mga aksidenteng ito, kumitil pa sa buhay ng ilang walang kamalay-malay na mga biktimang malapit sa mga nagbagsakang billboard construction.

 Kaya naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (dpwh), agarang umaksyon sa serye ng mga aksidenteng ito.

Ang panganib na ito sa buhay ng mga residente ang nagtulak sa Barangay Escopa Two, Katipunan Quezon City na lumapit sa BITAG.

Ang kanilang inirereklamo, ang higanteng billboard construction na mismong nakatayo sa kanilang mga kabahayan.

Araw-araw, labis na takot at pangamba dulot ng itinatayong billboard construction sa kanilang lugar.

Ang mga residente, sa BITAG agarang lumapit dahil sa hindi pagkilos ng lokal na barangay sa kanilang petisyon.

Sa Signboard and Utilities Division ng Quezon City Hall, ipinapanood namin ang video footage na kuha ng BITAG sa patapos ng higanteng billboard construction sa residential area ng Bgy. Escopa II.

Sa bibig mismo ni Engr. Pancho Bato, ang billboard na inirereklamo, iligal dahil wala itong permit mula sa kanilang tanggapan.

Nabahala ang city hall sa laki ng billboard na itatayo sa lugar kadikit ng mga residente kaya si Engr. Bato na ang nagprisintang magtungo sa kinalalagyan ng ginagawang higanteng billboard para isagawa ang on site inspection.

Maging ang Plan-ning Division-Engineer­ing Department ng mmda, pumalag din ng makita ang inire- reklamong billboard.

Wala rin itong permit sa MMDA, pinatunayan ito ni Engr. Rodrigo Tuazon ng MMDA. 

Sobra-sobra rin ang laki nito na ipinagba­bawal na sa regulasyon ng MMDA kung hindi aagapan ang pagpapatayo, siguradong panganib ang maidudulot nito sa buhay ng mga residente.

Ang United Neon na nagmamay-ari ng ini-rereklamong billboard, binigyan na lamang ng ilang araw na taning upang ipatanggal ito. 

Tutukan ng BITAG ang kasong ito hanggang sa tuluyang maging ligtas ang mga residenteng lumapit sa amin.

Show comments