^

PSN Opinyon

Editoryal - Nasa bingit ang buhay ng mga mamamahayag

-

KATATAPOS lamang gunitain ang International Day to End Impunity pero lalo lamang na-challenge ang mga mamamatay-tao at inupakan ang isang radio broadcaster sa Cagayan de Oro City. Pero himalang nakaligtas si Michael James Licuanan­. Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo (ridin­g in tandem) ang bumaril sa kanya. Si Licuanan ang chief of reporters ng Radyo Bombo.

Pauwi na si Licuanan sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin sa Barangay 30. Ayon sa mga pulis, may kaugnayan sa illegal na droga ang tangkang pagpatay kay Licuanan. Madalas umanong batikusin ni Licuanan sa kanyang radio program ang drug syndicate sa kanilang lugar. Ilang linggo na umano ang nakararaan, nakatanggap ng banta sa kanyang buhay si Licuanan.

Naganap ang tangkang pagpatay kay Licuanan, isang araw din makaraang gunitain ang Maguindanao massacre kung saan 58 katao ang pinatay na kinabibilangan ng 33 mamamahayag. Pinagbabaril at pinagtataga ang mga biktima noong Nobyembre 23, 2009. Pagkaraang patayin, sama-samang ini­libing sa inihandang malalim na hukay. Hanggang ngayon, hindi pa nabibigyan ng hustisya ang mga biktima. Ang mga pangunahing akusado ay naka­kulong pero may 100 pang sangkot sa krimen ang hindi pa nahuhuli.

Nagiging karaniwan na lamang sa bansang ito ang pagpatay sa mga mamamahayag. Balewala na kung tambangan. Meron pang pinapasok sa loob mismo ng bahay at saka doon babarilin sa harap mismo ng mga anak at asawa. Ang Pilipinas ay na­ngunguna na umano sa mga bansang mapanganib sa mga mamamahayag. Dati ang Iraq ang nangu­ngunang bansa na mapanganib sa mga mamamahayag pero tinalo na ito ng Pilipinas.

Nasa anim na mamamahayag na ang pinapatay ngayong 2011. Pawang tinambangan ng riding-in-tandem. Masuwerte naman si Licuanan at nakaligtas sa kamatayan. Pero dapat siyang mag-ingat sapagkat baka balikan siya ng mga mamamatay-tao.

Gawin naman ng pamahalaan ang lahat nang paraan para mahuli ang bumaril kay Licuanan. Hindi dapat hayaang makalaya ang mga mamamatay-tao. Kaila­ngang mapagbayad sila sa mga nagawang kasalanan.

ANG PILIPINAS

AYON

LICUANAN

MICHAEL JAMES LICUANAN

ORO CITY

PERO

RADYO BOMBO

SHY

SI LICUANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with