^

PSN Opinyon

'Barya mo. buhay ko'

- Tony Calvento -

SA ISANG BILOG NA SAMPUNG PISO, ilang buhay ang matutulungan nito kapag ikaw ay lumaro sa Lotto ng PCSO.

Ang katibayan nito ay ang taong natulungan ng bar­ya ninyo na inilapit sa aming tanggapan at amin namang diniretso sa PCSO.

ILANG buwan na lang mag-iisang taon na ang programa sa radyong handog ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong medikal. Ang “PUSONG PINOY” ng DWIZ 882 KHZ ni Jose Ferdinand Rojas II (Atty. Joy), ang general manager ng PCSO.

“Pusong Panalo… Pusong Pilipino. Ganito kami sa PCSO”, Tumatak na ang linyang ito ni Atty. Joy sa mga masugid na tagapakinig ng “Pusong Pinoy”.

Ngayong darating na Pasko, patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng PCSO sa mga kababayan nating ang tanging hiling ngayong Pasko ay ang kagalingan mula sa kanilang mga karamdaman.

Kabilang sa listahan ng bibigyang tulong ng “Pusong Pinoy” ang mga sumusunod na pasyente.

• Lumapit sa programang “Pusong Pinoy” si Adelaida Samia, 64 anyos, ng Quezon City. Hinihingi ng tulong ang anak na si Czarina Samia, 41 taong gulang na may sakit na ‘endometrial cancer’ o cancer sa matres. Pang-apat na lapit na ni Adelaida sa PCSO at sa naunang lapit niya nakakuha na siya ng 3 cycles ng Chemotherapy na kakailanganin sa paggaling ni Czarina sa cancer. Kumpleto na ni Adelaida ang mga requirements na kanyang kailangan. Hihintayin na lang niyang muli ang paglabas ng kanyang ‘guarantee letter’.

“Maraming salamat po PCSO. Huwag po sana kayong magsawang tumulong sa aking anak. Sana po marami pa kayong matulungan,” pahayag ni Adelaida.

Dalawang lolang magkaibigan naman mula sa Pasig City ang

umantig sa amin matapos ipanawagan ang kanilang panga­ngailangan. Si Gloria Monakil, 78 taong gulang, nangangalakal sa Palengke ng Masinag. Kailangan ni Gloria ng maintenance na gamot para sa kanyang sakit na ‘Septic Arthritis’ at panlalabo ng kanyang mata. Kinailangang mamalimos ni Gloria minsan para mabili ang gamot na kanyang kailangan.

“Kapag hindi ako nakainom ng gamot… pain reliever aatakihin ako ng sakit sa tuhod. Minsan nagpapahid na lang ako ng gaas na may asin,” kwento ni Gloria.

Kasama ni Gloria sa pamamalimos ang kaibigang si Virginia Mengolio, 65 taong gulang na may sakit naman sa ‘asthma’ at may ‘kidney stone’.

“Kahit hinihika ako…tinitiis ko na mamalimos sa labas, makaamoy ng usok para lang makabili ng gamot,” ayon kay Gloria. 

Unang beses lumapit nila Gloria at Virginia sa PCSO.

“Matagal na kami naghahanap ng programang tulad nito na tumutulong sa mga mahihirap na tulad namin. Salamat at nandyan kayo para makakuha na kami ng gamot na hindi kami kinailangang manlimos pa sa daan,” wika ni Gloria.

Isa namang nakikipagsapalaran sa ‘breast cancer’, stage 1 ang nagsadya sa aming programa si Rebecca Rollon, 55 taong gulang. Na-diagnose lang si Rebecca na may cancer nitong buwan ng Hulyo. Kailangang dumaan ni Rebecca sa chemotherapy, 6 cycles. Halagang Php83,000 bawat cycle ang kailangang likumin ni Rebecca para lang maisagawa ang chemotherapy. Nagawa pang magbayad ni Rebecca nung una subalit nitong huli naubos na ang lahat ng kanyang ipon kaya’t lumapit na siya sa programang “Pusong Pinoy”.

Sa tulong ng PCSO nailabas at nabigyan si Rebecca ng libreng cycle sa kanyang chemotherapy. Sa ngayon patuloy pa rin ang paghingi ni Rebecca ng tulong sa PCSO.

“Maraming salamat sa PCSO. Malaki po talaga ang tulong ninyo sa amin Atty. Joy ng programang “Pusong Pinoy”. Sana tuluy-tuloy na po ang aking paggaling sa tulong ng inyong programa,” wika ni Rebecca.

Taga-Tarlac naman si Mercedes Terado, lola ni James Matthew Terado, 3 taong gulang. Nitong Hulyo, naoperahan sa Cabanatuan Hospital si James Matthew dahil sa wilms tumor. Ito’y tumor na karaniwang tumutubo sa kidney. Hindi naman sapat ang kita ng ama ni James kaya’t humingi na sila ng tulong sa PCSO. Kailangang sumailalim ang apo ni Mercedes sa chemotherapy.

“Nang mabalitaan naming pwedeng lumapit sa PCSO lumuwas na kami ng Maynila para sa chemotherapy ng aking apo,” pahayag ni Mercedes.

Hindi naman nasayang ang pagpunta ni Mercedes. Ipino-process na ang kanyang mga papales at sa kasalukuyan hinihintay na lang ni Mercedes ang kanyang ‘guarantee letter’.

 Ilan lamang sila sa milyun-milyong mga taong tinutulungan ng PSCO. Ngayong darating na kapaskuhan hangad ng PCSO na mabigyang lunas ang karamdaman ng bawat taong lumalapit sa kanila. Ang “Pusong Pinoy” ay katulong ng PCSO sa pagtulong sa mga kababayan nating kapos sa buhay na kinakailangan ng tulong medikal.

Sa lahat ng lumalapit sa aming programa, maraming salamat sa inyong pagtitiwala. Hindi dito natatapos ang pagtulong dahil bawat taong lumalapit sa amin…kasama kayo sa aming dasal.

“Pusong Panalo… Pusong Pilipino ganito kami sa PCSO”.

ISANG PAMILYA rin ang gusto naming bigyang parangal sa kanilang bukas loob na pagbibigay ng mahigit sa dalawampung (20) wheelchair.

Ang mga wheel chair na ito’y binigay ni Mr. Ding Pangilinan at Mrs. Baby Pangilinan. Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon sa lahat ng pagtulong na ginagawa ninyo sa ating mga kababayan.

Tangkilikin at maglaro sa LOTTO. Sa konting halaga baka maging katulad mo yung taga-Quiapo na nanalo ng P95Mil­yon. Ang Grand Lotto ay tinatayang hihigit sa P150Milyon. Baka barya mo na lang ang hinihintay para makuha mo ito.

BUKAS ang aming tanggapan para sa gustong lumapit sa programang “Pusong Pinoy”. Ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maari kayong magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

Sa puntong ito nais naming batiin ang mga masugid na tagasubaybay ng aming pitak. Sina Aileen Vergara, Maricar Lyn Magsaysay, Samantha Ysabelle Intal at Sani Rose Intal ng UCPB Pioneer.

* * *

Follow us on twitter: [email protected]

KANYANG

PCSO

PUSONG

PUSONG PINOY

REBECCA

TULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with