IBINIDA ng isang kongresista na puwedeng mag-give ng magbigay ng hindi bababa sa P10,000 Christmas bonus ang government of the Republic of the Philippines my Philippines dahil malaki ang funding na-tsani este mali tipid pala dahil hindi sila gumastos this year.
Banat ni Aurora Rep. Sonny Angara sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P175.9 billion ang “underspending” ng gobyerno ng Philippines my Philippines from January to December kaya naman lumiit ang budget deficit.
Bida ni Sonny, next year, malamang may P180 billion ang deficit ng pamahalaan malayo sa projected P300 billion sa ilalim ng budget.
Alam ng madlang people sa Philippines my Philippines hudyat lamang ng pangulo ang hinihintay para maglabas ng funding ang kanyang mga alipores.
Sa ilalim ng batas at tradition na sa Philippines my Philippines basta nag-utos ang Pangulo tiyak hindi puedeng baliin lalo na sa ikakabuti ng mga manggagawa sa gobierno partikular ang karagdagan Christmas bonus.
Ika nga, magdasal kayo!
Last year, nagbigay ng P10,000 “Performance Enhancement Incentive” (PEI) bonus ang government of the Philippines my Philippines, sa nasabing bonus, P7,000 ang ipinasalawal este mali pinaluwal pala ng national government at P3,000 ang galing sa savings ng mga ahensya.
'Sana matuloy ang bonus sa madlang gov't worker', sabi ng kuwagong nananaginip.
'Malaki ang savings kaya malaman mabigyan tayo dahil sabi ni P. Noy 'kayo ang boss, ko', sagot ng kuwagong magsasaka.
'Baka tayo pa ang magbigay ng pera kay P. Noy dahil tayo ang boss niya?' sabi ng kuwagong urot.
'Hindi, siya ang kukumpas sa DBM para ilabas ang kautusan na bigyan tayo ng Christmas bonus'.
'Sana matupad ang kahilingan ng mga maliliit'.
'Si Sec. Butch Abad ang nakakaalam niyan.'
Abangan.
Dep. Com. Danny Lim, Sir!
DALAWANG gagong mag-pinsan ang gumagamit ng pangalan at office ni Danny para takutin ang mga smuggler at ipangolekta ito.
Ang dalawang kamoteng mag-pinsan ay sina Nats at Alex 'trambiya'.
Mas matindi itong si Alex 'trambiya' dahil nagpapakilalang itong miembro ng PMA class 91 at isang Major sa PNP.
Naku ha, kotong ang lakad ng kamote!
Tiyak hindi alam ni Lim ang lakad ng dalawang gago kaya dapat makarating sa kanya ang ganitong gawain dahil ang pangalan niya ang nasisira dito.
Hindi yata kilala ng dalawang kamote si Lim baka may paglagyan kayo dito.
Malakas ang loob ng dalawang mag- pinsan gago dahil dati pala silang bata ng sinibak na mangongotong na top brass din dyan sa bureau?
Sabi nga, may pinagmanahan!
Kailangan kalusin ang dalawang magpinsan bago makapaminsala ng husto.
Abangan.