^

PSN Opinyon

Nalalapit na ang wakas ng riding-in-tandem

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SA wakas mabibigyan na rin ng katugunan ang problema sa mga criminal na riding-in-tandem. Naalimpungatan na rin sa wakas sa pagkakatulog si DILG secretary Jesse Robredo kaya ikinumpas ang kalawanging kamay na bakal kay PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome para lipulin ang riding-in-tandem.

Nasa 1,565 kaso ng riding-in-tandem ang naitala noong 2010 at 1,700 naman ang naitatala ngayong 2011. Sa pakiwari ko, patuloy pa rin itong tataas kung hindi magbabago ang sistema ng PNP na walang pangil laban sa riding-in-tandem. Mantakin n’yo 7 percent ang inilobo ng kaso ng riding-in tandem.

Nagbigay naman ng garantiya si Bartolome kay Robredo at sa sambayanan na lulutasin ito sa pinakamada-ling panahon. Mukhang aalpasan na ni Bartolome ang mga bundat ang tiyan sa Police Integrated Patrol System (PIPS) at pakakalatin sa lansangan ang mga pupugak-pugak na Motocycle Riding Police Officers at Motorized Anti-Street Crime Operatives (MASCO). Kaya lang isasailalim pa ang mga ito sa Basic Tactical Rider’s Course upang maging dalubhasa sa paglipol sa mga holdaper, snatcher, carnapper, carjacker at kidnaper.

Kung sabagay malaking bagay ang MASCO dahil madali nilang mahahabol ang riding-in-tandem kahit sa makiki-tid at matrapik na kalye. Taas-noo namang ipinagmalaki ni Sr. Supt. Dionardo Carlos, spokesman ng NCRPO na may tauhan na silang nakalaan. Kaya lang, hinihintay pa nila ang may 100 brand new motorcycle na donasyon ni Executive Secretary Paquito Ochoa. Magandang balita ito kung matutupad dahil matutugunan na ang minimithi ni Bartolome. Sana kasama na rito ang panggasolina upang malayo ang mararating ng nagpapatrulyang riders.

Secretary Robredo at General Bartolome, ang pa-ngunahing problema ng Mobile Patrol Division sa limang police districts sa Metro Manila ay ang kakulangan sa gasoline allocation sa bawat mobile car kaya nakahinto na lamang sila sa isang tabi. Abangan!

vuukle comment

BARTOLOME

BASIC TACTICAL

DIONARDO CARLOS

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

GENERAL BARTOLOME

JESSE ROBREDO

KAYA

METRO MANILA

MOBILE PATROL DIVISION

MOTOCYCLE RIDING POLICE OFFICERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with