Bumabalik ba ang cancer?
“Dear Dr. Elicaño, itatanong ko lang po kung ang prostate cancer na dineklarang magaling na ay maaaring bumalik. Kasi po, nadetect na may prostate cancer ang 78 years old kong father. Sumailalim po sa gamutan at sabi ng doctor ay cured na siya. Pero gusto ko pong makatiyak lalo na’t narinig ko sa balita na ang asawa ng isang actor ay bumalik daw ang breast cancer. Ipaliwanag mo po sana. Maraming salamat at God Bless po.” --- Maricar Monleon, Piy Margal St. Sampaloc, Manila
KAPAG sinabing cured ang prostate cancer, ibig sabihin ay naalis na lahat ang cancer. Madaling sabihin iyan. Pero sa practice o sa papel ng medisina, ang kahulugan ng cured ay hindi isang simpleng bagay. Bago ang pag-i-introduce ng Prostatic Specific Antigen (PSA) monitoring, ang isang paraan na ginagawa para malaman kung ang cancer ay nananatili pa sa bahagi ng prostate ay sa pamamagitan ng rectal examination. Sinasalat ito at mararamdaman. Nakikita rin ito sa bone scan, kapag lumabas o nakita sa paulit-ulit na biopsies o metastases.
Kapag ang residual cancer ay masyadong maliit para ma-detect sa pamamagitan ng rectal exam, naipagkakamali na ang cancer ay gumaling na pero sa katotohanan ay hindi pa. Mayroong prostate cancer na nag-shrunk down pagkaraan ng treatment at ito ay tinatawag na “in remission” o nagpapahinga lamang. Kapag tinawag na “in remission” hindi ito kasing-kahulugan na gumaling o na-”cure”. Ang mga pasyente na nagkaroon ng “in remission” ay kakikitaan nang palatandaan na babalik ang cancer sa hinaharap. Nagpapahinga lamang ang cancer at saka
- Latest
- Trending















