HINDI joke ang nangyayari ngayon sa pagitan ng PAL management at siyempre ang grupo ng Philippines Airlines Employees Association o PALEA dahil nagkakabugbugan na sila kaya naman may mga napupunta na rin sa mga ospital.
Last Satudray ng madaling araw inaakusahan ng PALEA ang PAL management na umarkila pa ang mga ito ng mga goons para buwagin ang grupo nilang tahimik na nagwe-welga sa may pader ng PAL in-flight center ilang meters ang layo sa NAIA Terminal 2.
Sabi ng taga - PALEA, dahil sa paluan blues may mga tinakbo silang members sa ospital para malapatan ng kaukulan mga bukol este mali lunas pala.
Depensa naman ng PAL management wala silang kinalaman sa mga inaakusa ng PALEA members para sa kanila ang huli pa daw ang may problema dahil hinarang ng mga ito ang papalabas nilang trak galing sa loob ng in-flight center at para hindi maka-takbo ay hinarangan pa daw nila ito ng mga pako at mga nag-aapoy na karton para hindi makalabas ng gate.
Ang problema nagsumbong ang mga taga - PALEA kay Anakpawis party-list Rep. Rafael Mariano kaya naman si Congressman ay galit sa ginawa ng PAL management sa paggamit ng mga ‘goons; para buwagin ang rally ng PALEA sa labas ng PAL In-flight Center dyan sa Pasay City last Saturday morning.
Sabi ni Mariano, kung pinayagan lamang sana ng PAL na ihayag ng mga miyembro ng PALEA ang kanilang hinaing hindi sana nasawi ang construction worker na si Arvin Macalalad na nadamay lamang sa gulo.
Ayon kay Mariano, sa wikang ingles ‘The violent attack against PAL employees who are asserting for their right to jobs and livelihood clearly exhibits the prevailing culture of impunity condoned by the Aquino administration. Workers fighting against capitalist greed and asserting their democratic rights are being hurt and attacked by scabs and goons through the aid of state elements.”
Gusto pa ni Mariano na dapat daw papanagutin ang may-ari ng PAL na si Lucio Tan sa nangyari.
Ang mga nasugatan sa gulo na mga PALEA members ay sina Froilan Tancinco, Ester Gonzaga, Tranquilino Simplico Jr., Noel Penetrante, Lover Manibo, Rosmar Elaurza, Pablito Leonardo at Ronald Salazar.
Ayon kay Mariano, malinaw umanong nilalabag ng PAL ang International Labor Organization’s Convention no. 87 o ang Freedom of Association and Protection of the Right to Organize, Convention no. 98 o Right to Organize and Collective Bargaining Negotiation at Convention no. 111 (Discrimination Employment and Occupation, all ratified by the Philippine government).
Sa parte naman ng PAL management, naghahanda naman sila para kasuhan ang taga - PALEA at gusto pa nila itong sampahan din ng kasong ‘libel.’
‘Ano ngayon ang mabuti para sa magkabilang panig?’ tanong ng kuwagong mediator.
‘Basta para sa PAL management sibak na ang PALEA as of Oct. 1, 2011’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Paano naman ang kanilang benefits dahil karamihan sa kanila ay matagal na sa nasabing company?’ tanong ng kuwagong mangga-gatong.
‘Basta ang alam natin ang iba sa kanila ay tumanggap ng malaking halaga ng salapi kumporme sa length of service nila plus - plus’ sabi ng kuwagong urot.
‘Paano naman ang iba?’
‘Ang iba sa kanila na nagsagawa ng lightning strike noon may typhoon ay alaws matatanggap at ang masama pa kinasuhan pa sila.’
‘Iyon lang!’
‘Ano sa palagay mo ang mangyayari sa dalawang ito?’
‘Kamote, yan ang hintayin mo!’
Abangan.
Phil. Army, congrats
DUMATING yesterday ang 42 sundalo ng Philippine Army contigents na isasabak sa giyera este mali isinabak pala sa shootfest sa ika - 21st ASEAN Armies Meet (AARM) sa Indonesia last October 8 to 27, 2011.
Naghakot sila ng katakot-takot na medalyang ginto. silver at bronze sa iba’t-ibang shooting competition laban sa 10 countries.
Binabati natin silang lahat!