^

PSN Opinyon

Si Bro. Augustus Cezar

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang buong masonarya sa Philippines my Philippines sa pagkamatay ni PUP vice president for administration Augustus Cezar na tinambangan ng mga gago dyan sa Sta. Mesa, Manila.

Hindi lang ang mga mag-aaral sa PUP ang humihingi ng katarungan para kay Kuyang kundi pati ang kanyang mga brethren niya.

Sana sa lalong madaling panahon makamit ni Kuyang ang hustisiya.

Abangan.

Melvin 'kaskas' sa BOC

LAST Sunday, nagpadala ng paninirang mensahe ang isang Melvin 'kaskas,' ang dakilang mangngungupit ng pera sa ilang kabaro natin sa dyaryo.

Gusto ni Melvin 'kaskas' na yariin ang isang bagong talagang opisyal na binigyan ng isang magandang puesto dyan sa aduana para nga naman mapahiya ito sa Bureau of Customs, pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan niya.

Sa kagaguhan mensahe ni Melvin 'kaskas' pinalalabas nito na noon Oct. 12,  nagkaroon ng 'secret meeting' ang mga bigtime smuggler sa aduana dyan sa isang 3 star hotel sa Kyusi para pag-usapan ang bagong suhol  sa Office of the BOC Commissioner at sa Intel group.

Naku ha!

Pinalalabas ni Melvin 'kaskas' ang suhol na napagka-sunduan para sa shipment ng general merchandize ito ay P3,000 per container para sa OCOM at P2,000 sa Intel group (IG).

Bida ni Melvin 'kaskas,' sa napag-usapan pulong kailangan kumita ang bureau at pumasok ang pera sa gobierno  kaya singilin ang mga smuggler ng P80,000 para sa isang 20 footer van at P100,000 para sa isang 40 footer container wala ng bukasan ang mga shipment.

Sabi ni Melvin 'kaskas' para sa mga special item tulad ng bigas, ukay-ukay at paputok, ang lagay ay P7,000 sa OCOM at para sa IG ay P5,000.

Ang duties and taxes ay P130,000 sa 20 footer container at P150,000 sa 40 footer container.

Sa Pork, Chicken, Beef and other Perishable items naman P20,000 ang sa OCOM at P15,000 sa IG.

Sa Laptop, Computer at mga highly dutiable items, ang para sa OCOM ay P30,000 at para sa IG ay P20,000 bawat container.

Inilagay pa ni Melvin 'kaskas' ang mga tunay na pa­ngalan ng mga bigtime player sa aduana na ang iba rito ay pinakikinabangan niya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malamang isang Marissa, ang gumawa ng mga kuentong kutsero para sirain ang bagong talagang Customs official at si 'kaskas' ang ginamit na operator.

Abangan.

Ombudsman

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang maraming mayayaring kurap official dyan sa Office of the Ombudsman dahil bubusisiin pala ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga sinasabing pinatulog na kaso dyan sa nasabing tanggapan.

Nagkaroon pala ng 'rigodon' sa Ombudsman kaya marami daw ang nataranta ng malipat sila sa mga puesto na hindi nila inaasahan.

Sabi nga, napa-tanga. Hehehe!

Gaganda at muling sasaluduhan ng madlang public ang Ombudsman dahil ang mga kasong pinatulog sa matagal na panahon ay pabubukalkal na.

Abangan.

ABANGAN

AUGUSTUS CEZAR

BUREAU OF CUSTOMS

ISANG

KASKAS

KUYANG

MELVIN

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with