Phl formula sa Spratlys
NAKATUTUWANG mabatid na nagkakaisa ang mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagsuporta sa proposal ng Pilipinas na magkaroon ng sona ng kapayapaan sa pinagtatalunang Spratly Group of Islands.
Matagal nang problema ang Spratlys at kundi man lubusang malutas ang problema, sa maayos na usapan ay posibleng maabot ang isang compromise para sama-samang gamitin at pakinabangan ng mga bansang nag-hahabol sa kapuluan sa paraang walang pagtatalunan.
Ang panukala ng Pilipinas ay ang pagpapairal ng Zone of Peace, Freedom, Friendship and Cooperation (ZoPPFFC) na inaasahang simula ng paglutas ng sigalot sa West Philippine Sea, ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. kamakailan.
Aniya, hindi na pagdedebatihan pa ng gobyerno ang pananaw ng China kundi pagtutunuan na lamang ng pansin ang paglalatag ng mga solusyon para hin- di na sumiklab pa ang tensiyon sa West Philippine Sea.
Pinag-aaralan na ng ASEAN Maritime Legal Experts’ na nagdaos ng pulong sa Maynila kamakailan ang Phi-lippine proposal upang tiyaking hindi ito salungat sa maritime delimitation at mga pook na daanan ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat.
Pinagtibay sa pulong ang pagpapatibay sa pangako ng ASEAN na patuloy na makikiisa sa mapayapang paglutas sa gulo sa West Philippine Sea. Nauna nang nagkaisa ang mga foreign ministers at senior officials ng ASEAN noong Hulyo sa Bali, Indonesia na masusing pag-aaralan ang mungkahi ng Pilipinas.
Bagamat nagkasundo ang mga bansa na kasapi ng ASEAN at ang China noong Nobyembre 2002 para pagtibayin ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, sinabi ni Ochoa na maghahain ang bansa ng mga panukalang kodigo na hindi lamang kakatig sa isang bansa kundi sa lahat ng kinauukulan.
Matagal nang pinupuna ang naturang deklarasyon na anang mga eksperto ay may malaking pagkiling sa China at hindi pabor sa mga bansang umaangkin din sa mga naturang pulo.
Napapanahon ang mungkahi ng Pilipinas. Maraming bansa ang pumapanig dito dahil nangi-ngibabaw ang katuwiran at hustisya sa panukala.
- Latest
- Trending