^

PSN Opinyon

Bilyong dolyar na puhunan mula Japan bitbit ni P-Noy

- Al G. Pedroche -

AYON kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. aabot sa $1.4 bilyon na puhunan ang inaasahang pa­pasok sa bansa matapos ang apat na araw na pagdalaw ni Pangulong Noynoy Aquino sa Japan.

Iyan naman ang puntirya ng lahat ng state visits ng sino mang Pangulo kaya diyan umaasa ang taumbayan. Ang katumbas ng mga investments na iyan ay trabaho sa mga kababayan natin bukod pa sa kalusugang maibibigay nito sa ekonomiya.

“Wala pong duda sa tagumpay ng ating biyahe. Sa loob lamang nang apat na araw, dumalo po tayo sa 36 na iba’t ibang pulong at mga pagtitipon kung saan may $1.4 bilyon na halaga ng mga bagong negosyo at pamumuhunan ang tiyak na papasok mula sa Japan. Ito po ay sa mga sektor ng enerhiya, pabrika, at mga serbisyo,” anang Pangulo sa kanyang talumpati nang siya’y duma­ting matapos ang biyahe.

Ani Ochoa, muling naitampok ang bansa bilang lugar para sa mga investors na makasisiguro nang patas at matapat na pakikitungo. 

Kahanga-hanga ang Japan! Kung tutuusin, ang na­ganap na lindol at tsunami kamakailan ay malaking dagok sa ekonomiya nito. Gayunman, habang nakatutok sila sa rehabilitasyon ng bansa, patuloy silang magbibigay ng Official Development Assistance sa Pilipinas bilang tulong sa ating Philippine Development Plan at sa Public-Private Partnership program. Ayon kay Ochoa, nagagalak ang Pangulo sa ganitong uri ng malasakit ng Japan.

Pag-iibayuhin din ang pagtutulungan ng dalawang ban

sa sa disaster prevention and management, gayundin sa pagtugon sa suliranin sa pagbabago ng klima. Nilagdaan nina P-Noy at Noda ang isang Forestland Management Project.

Natamo rin ng Pilipinas ang suporta ng Japan sa pagpapanatili ng kati­wasayan sa pinag-aagawang West Philippine Sea. 

“Pareho naming kinikilala na magandang hakbang ang pagtanggap sa Guidelines for the Implementation on  the Conduct of Parties in the South China Sea,” ang pahayag ng Pangulo. 

Bukod sa isyung pang­kabuhayan, nag-usap din sina P-Noy at Noda tungkol sa turismo at teknolohiya sa impormasyon at pati ang pangangailangang palakasin ng Pilipinas ang tanod-baybayin  nito.

ANI OCHOA

CONDUCT OF PARTIES

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO N

FORESTLAND MANAGEMENT PROJECT

NODA

OCHOA

PANGULO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with