TINALAGA ang mga pulis bilang mga tagapagpatupad ng batas para sa isang matahimik at ligtas na kapaligiran.
Pero paano kung ang inaasahang magpapanatili ng katahimikan, siya pang magpapasimuno ng kaguluhan?
Ito ang inilapit sa BITAG ni Retired SPO2 Jose Oliva. Sumbong niya, sa kanilang lugar sa Batasan, may pulis na kung umasta sisiga-siga.
Sa nakuhanang video ng kaniyang anak na lalaki, kitang kita ang matapang at paulit-ulit na paghahamon ng isang maskuladong lalaki sa retiradong pulis.
Ang galit na galit na mama, si PO2 Arnold Sagun ng Batasan Hills Police Station 6 sa Quezon City.
Sa video na dala ni Mang Jose, dinig na dinig ang pagpapaputok ng baril ni PO2 Sagun habang tumatak-bo sila palayo ng kaniyang anak.
Sa pagsangguni ng BITAG sa Bgy. Batasan Hills, kinumpirma ng mga ito na hindi ito ang unang insidente ng pagwawala, pag-aamok ng away at pagpapaputok ng baril ni PO2 Sagun.
Ang ganitong ugali at asal ay hindi katanggap-tanggap lalo na para sa mga pulis na inaasahang mangu-nguna sa disiplina.
Sa tulong ng video na naipakita ng nagrereklamong si Mang Jose, paniguradong iimbestigahan ang kasong ito ni PO2 Sagun.
Ito ang isang halimbawa ng mga pulis na dapat ma-bigyan ng leksiyon na malinaw sa programa ni PNP Chief Nicanor Bartolome.
Layunin ng kanyang programa na linisin ang kanilang hanay at ibalik ang tiwala ng taumbayan sa mga otoridad.
Hinihikayat ang lahat na mag-report sa media na katulad ng BITAG at maging sa PNP ng anumang uri ng panggugulo, pang-aabuso, pana-nakit at panloloko ng sinumang opisyal sa lipunan.