^

PSN Opinyon

Gibo sa PLM

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ESPESYAL para sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Law ang 2011 edition ng aming Dean’s Lecture Series. Sa loob ng dalawang oras nitong Biyernes, nakapiling namin ang isang abogado na itinaas ang antas ng aming propesyon dahil sa kanyang galing, talino at dangal. Mapalad kami’t tinanguan ni Atty. Gilberto “Gibo” C. Teodoro, Jr. ang paanyayang maging Guest Speaker.

Pangalawang beses pa lang tumanggap ng speaking engagement si Gibo mula noong 2010. Dahil ang PLM ay pampublikong institusyon, dahil mayorya ng law students ay kawani ng pamahalaan o kaya’y siguradong magiging bahagi ng gobyerno, at dahil ito’y Top 6 law school sa Metro Manila, hindi nag-atubili si Gibo na ipamahagi ang kanyang malawak na karanasan upang lalong maengganyo ang mga bata sa batas at sa serbisyo publiko.

Matapos ang isang 30 minute lecture ay game si Gibo na harapin ang mga follow up question mula sa inyong lingkod at ang mga open forum questions mula sa mga law students at Deans ng iba’t ibang kolehiyo ng PLM. Walang sinantong isyu – peace process, corruption, economic slowdown, oil price hikes, Spratlys, RH Bill, Charter change, divorce, CCT at maging ang mga plano niya sa kinabukasan.

Namangha ang lahat kung paano niya kaming tulu-ngang intindihin ang mga kumplikadong isyu. Mula sa pagpaliwanag kung bakit nahihirapan ang Armed Forces at PNP laban sa kakaunting mga rebelde, hanggang sa paghimay ng relasyon natin sa Tsina at kung bakit kailangan itong pag-ingatan. At ni minsan ay hindi nito hinusgahan ang pamahalaan. Ang naging trademark nitong high level, issue based campaign ay agad nagunita ng lahat ng nakilahok.

Ang mga katulad ni Gibo – kahit pa wala na sila sa posisyon - ay may malaking maitutulong upang maintindihan ng publiko ng walang bahid pulitika ang samut sa-ring usapin ng pamamahala. Maging kritiko man sila o supporter, ang kanilang pananaw ay matimbang dahil salang sala ito ng kanilang naging karanasan at tangan ito ng kanilang kredibilidad.

Mula sa future lawyers ng PLM, maraming salamat Atty. Gibo.

vuukle comment

ARMED FORCES

BIYERNES

COLLEGE OF LAW

DAHIL

GIBO

GUEST SPEAKER

LECTURE SERIES

METRO MANILA

MULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with