^

PSN Opinyon

Laminated calling card ni Ric de Guzman

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

BAWAL dumaan ang mga cargo truck sa Roxas Boulevard mula sa may kanto ng P. Burgos, Ermita hanggang P. Ocampo, Malate, Manila. Ipinagbabawal ito mula pa noong kapanahunan ni dating Manila mayor Lito Atienza hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Mayor Alfredo Lim. Ngunit ngayon ay balewala na ang kautusan at nababastos na ang mga pulis at MMDA enforcers dahil sa laminated na calling card ni Ric de Guzman ang chief of staff ni Mayor Lim. Ewan ko kung alam ni De Guzman na ginagasgas ng ilang drayber ang kanyang pangalan kapag nahuhuli sa paglabag sa pagdaan sa Roxas Blvd.

Isang aksidente ang nasaksihan ko sa may kanto ng Katigbak Boulevard at P. Burgos St., noong Huwebes ng gabi na kung saan nabundol ng isang rumaragasang truck na minamaneho ni Robincio Malabon ang owner type jeep ni Ferdinand Bobier. Nagmamadali si Malabon at hindi nakayanan ng preno at natumbok sa likuran ang jeep ni Bobier, walang malay na inilabas ng jeep ang kasama ni Bobier na si Noel Chaves matapos na humampas sa salamin at mababalian pa yata ng buto sa likod sa lakas ng pagkabangga.

Ang masakit nang kunin ng isang traffic enforcer ang lisensya ni Malabon, ang calling card ni De Guzman ang iniabot sa enforcer. Sus maryusep! Puwede na palang calling card ang ipakita ng mga abusadong drayber kapag nasita sa Maynila? Ayaw pang sumama si Malabon sa enforcers patungo sa MPD Traffic Management Bureau

sa may Port Area subalit namagitan na ako at eksakto rin naman na dumaan ang News 5 kaya nadala rin ang abusadong drayber ng truck.

Sa Traffic Bureau, ibinulalas ng mga alipores ni MMD chairman Francis Tolentino ang kalakaran ng ilang abusadong drayber na ipangalandakan ang calling card ni De Guzman. Super lakas daw ito sa kaharian ni Mayor Lim kaya ang mga pulis at MMDA enforcer ay nangungupiti sa takot. Mayor Lim, paki-aksyunan nga ito nang mawala ang hinala ng mamamayan na wala kang sinasanto sa iyong opisyales. Abangan.

* * *

Inaanyayahan ni retired Police Chief Inspector Willie Villacorta ang remaining members ng Manila Police Department Batch 18 sa kanilang 42nd anniversary reunion sa October 1, 2011, 11 a.m. sa Hong Kong Tea House, A. Mabini St., Ermita, Manila. Para sa detalye, tumawag sa 09273909990. 

BOBIER

BURGOS ST.

DE GUZMAN

ERMITA

FERDINAND BOBIER

FRANCIS TOLENTINO

HONG KONG TEA HOUSE

KATIGBAK BOULEVARD

MALABON

MAYOR LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with