^

PSN Opinyon

Pigilan ang Aboitiz Power!

DURIAN SHAKE -

AKALA ng Aboitiz Power, nakalusot na ito nang unang inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Davao City noong nakaraang Hunyo ang kanilang proyektong 300-MW coal-fired power plant na nagkahahalaga ng P25-billion.

Ang proyekto ay ilalagay sana sa coastal barangay ng Binugao, Toril district, na nasa parehong lugar lang din kung saan kinukuha ang fresh water supply para sa mga Dabawenyo.

Ngunit nitong Huwebes lang ay nag-iba ang isip ng Sangguniang Panglungsod ng Davao City sa pangunguna ni Vice Mayor Rodrigo Duterte, nang nalaman nito na hindi lang pala seawater ang gagamitin sa pagpaandar ng nasabing planta.

Hindi sinabi ng Aboitiz Power ang totoo. Nagsinu­ngaling ito nang una nitong inihayag na seawater lang gagamitin nila. Ngunit napag-alaman na kukuha pala ng may 1,500 cubic meters na fresh water sa kasalukuyang supply ng tubig sa Davao City.

“We were made to believe that the coal-fired plant will only be using seawater. It appears, though, that 1,500 cubic meters of freshwater will be extracted daily. Water out will be lost forever. Money cannot replace what has been lost forever,” ani Duterte.

Ipinagdiinan ni Duterte na ang proteksyon sa water resource ng Davao City ay mas mahalaga kumpara sa pangangailangan ng enerhiya o elektrisidad.

Kaya napagkasunduan ng mga konsehal na ipagpaliban muna ang pagtalakay sa hiningi ng Aboitiz Power na reclassification from residential to dense-industrial area ang paglalagyan ng coal-fired power plant.

Nagdaos ng special session ang Konseho noong Huwebes upang talakayin sana ang request for land re-classification na isang requirement bago masimulan ng Aboitiz Power ang konstruksyon ng nasabing coal-fired power plant.

Totoong kailangan ng Mindanao ng karagdagang power supply at hinaharap na nito ang isang matinding power crisis sa mga susunod na taon.

Ngunit huwag naman na sa pagsusumikap na magkaroon ng stable power supply ay masisira naman ang source ng ground water dito sa Davao City dahil lang sa kagustuhang maglalagak ng P25-billion para sa isang coal-fired plant ng Aboitiz Power.

Huwag nating kalimutan na ang tubig dito sa Davao City ay kinilala ng World Health Organization na panga­lawa sa pinakamasarap o best-tasting water sa mundo kasunod lang sa The Netherlands.

At kung papayagan ang Aboitiz Power na gumamit ng 1,500 metric tons ng ground water kada araw, ilang metric tons na iyon sa isang taon? Paano na lang ang susunod na henerasyon ng Dabawenyo? Papayag na lang ba tayong mawalan sila ng tubig na maiinom?

NO to coal-fired power plant. Period.

ABOITIZ POWER

DABAWENYO

DAVAO CITY

DUTERTE

HUWEBES

LANG

NGUNIT

POWER

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

VICE MAYOR RODRIGO DUTERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with