P1.5 billion ano ang nangyari?

NATUKLASAN ng mga mambabatas sa Kamara ang may P1.5 billion budget na sinasabing ibinili ng DOTC ng mga kagamitan para sa Philippine Coast Guard kahit hindi pa kailangan ito.

Naku ha!

Ano ba ito?

Nagsaing este mali naghain ng House Resolution 1640, kinuwestyon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino kung bakit bumili ng bilyong halaga ng marine environmental equipment at lighthouse spare parts ang DOTC kahit na wala namang request para sa mga ito ang PCG.

Bakit?

Binubukalkal ni Casino para imbestigahan ang pagbibigay ng DOTC na pinamunuan noon 2007 ni Sec. Leandro Mendoza ng kontrata sa dalawang kompanya ang Berlyn Enterprises at RH Lopez Trading.

May impormasyon si Casino na up to now ay nakatambak as in nakabuyangyang sa bodega ng DOTC ang mga biniling gamit.

Naku sayang naman!

Sinasabing binayaran ang mga supplier noong Abril 28, 2010.

Abangan.

Mga pekeng pensionado ng PNP

MULTI-million scam ang nabuko ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa paggamit ng mga gago ng pekeng mga pensionado sa Philippine National Police.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang 300 fake PNP pensioners ang nadiskubre ngayon kundi umabot na sa 800 madlang people ito.

Ang isyu regarding sa 2nd hand helicopters ay katiting lamang kung ang isyu sa mga pekeng pensionado ng PNP ang pag-uusapan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sabit kasi dito ang pangalan ng watot ni GMA et al kaya pinalalaki ito ng todo.

'Paano nagkaroon ng mga pekeng pensionado ang PNP samantalang computerized sila?' Tanong ng kuwagong mangangankong.

'May nagsabwatan sa PNP personnel, PNP computer at sa comptroller kaya hindi birong usapin ang nangyari', sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

'Nasaan ba ang mga listahan ng pekeng PNP pensioners?'

'Itinatago pa nila'.

'Ano ang mangyayari dito?'

'Imbestigahan para makalkal sino ang mga culprit'.

Abangan.

Show comments