^

PSN Opinyon

Mga prayoridad ni P-Noy

- Al G. Pedroche -

IMPRESYON ng mga kritiko ng administrasyon na walang inatupag si Pangulong P-Noy kundi usigin si dating Presidente at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo pati na ang mga taong naging malapit sa kanya. Lumalabas tuloy na “underdog” ang mag-asawang Arroyo dahil kapwa umano sila may maselang sakit. Pero paano maiiwasan ang mga usaping ito?

May mga anomalya kasi noong nakaraang administrasyon na hangga ngayo’y di pa natutuldukan at hindi maiiwasang makaladkad ang nakaraang gobyerno. Kung hindi mareresolba ang mga isyu, paano makauusad ang pamahalaan sa mga programang pang-reporma nito. Idako naman natin ang pagtalakay sa ibang importanteng inaatupag ng administrasyon.

Halimbawa, inilatag ni P-Noy ang 13 karagdagang panukalang batas sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) para ilakip sa agenda ng administrasyon.

Ayuda ang mga ito sa 22 bills na ipinasa sa unang pulong ng LEDAC noong Pebrero sa direksiyon ng Philippine Development Plan (PDP) para makamit ang 16-point agenda o Social Contract with the Filipino People.

Ani Executive Sec. Paquito Ochoa, “We will assess the progress posted by our common legislative agenda since the time we agreed on a shared set of priorities, as well as the need to deliver on our collective commitment to pass these measures at the soonest possible time.”

Inilatag din ng Pangulo sa mga lider ng Kongreso ang panukalang pondo para sa susunod na taon na P1.816 trillion, pati na rin ang PDP para makuha ang kanilang suporta at maipasa ito sa takdang panahon.

Kabilang sa 13 panukalang batas ang protek­siyon sa mga kasambahay, pagpapalawig ng science and technology scholarship programs, pag-amyenda sa Rural Electrification Law, sin tax, pag-amyenda sa Human Security Act and the Data Privacy Act,  at ang responsible parenthood (RP) bill.

Kabilang din sa mga prayoridad ng Pangulo ang pagpapalawig sa proteksiyon ng mamimili, re­organisasyon ng Philippine statistical system, pag-amyenda sa PTV-4 law, probisyon para sa delineation of the specific forest limits of public domain, pagpapataw ng mabigat na parusa sa sinumang magnanakaw at gagalaw sa government risk reduction and preparedness equipment, at pag-amyenda sa Lina Law o iyong Urban Development Housing Act of 1992.

Ang natitirang 19 panukalang batas ay kasaluku­yang nasa iba’t ibang yugto ng pagproseso at pagrepaso ng mga mambabatas. 

ANI EXECUTIVE SEC

FILIPINO PEOPLE

GLORIA ARROYO

HUMAN SECURITY ACT AND THE DATA PRIVACY ACT

KABILANG

LEGISLATIVE-EXECUTIVE DEVELOPMENT ADVISORY COUNCIL

LINA LAW

PAMPANGA REP

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with