^

PSN Opinyon

'Amoy botcha(?)'

- Tony Calvento -

(Ikalawang bahagi)

NUNG Lunes naisulat ko ang tungkol sa hindi natuloy na mega-bilyong proyekto ng Seafront Renew, Inc., at ang Lungsod ng Navotas para sa isang ‘dredging project’, “North Bay Business Park Reclamation Project” (NBBPRP).

Ito’y pinagtibay ng isang ‘Memorandum of Agreement’ (MOA) na nilagdaan at pinagtibay nung June 23, 2009 sa pagitan ng dating alkalde ng lungsod na si Toby Tiangco at 1st Seafront Renew Inc., isang ‘dredging company’.

Ikinabigla ng lahat ng taga Navotas ng biglang kinansela ang proyektong ito ng maglabas ng resolusyon ang Navotas nung Disyembre nung nakaraan taon (City Resolution 2010-98).

Agad naman nagsampa ng demanda ang 1st Seafront Renew Inc., laban kay Mayor John Tiangco at lahat ng miyembro ng konseho ng lungsod para sa kasong GRAFT sa tanggapan ng Ombudsman.

Inakusahan si Mayor Tiangco at ang buong konseho ng lungsod na lumalabag sa Republic Act (RA) 3019, o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

May balita na mabilis na kumalat na kaya nakansela ang mga proyekto ay dahil may mga maimpluwensyang tao raw sa Navotas na humingi ng palugit para mabili nila ang mga lupain na katabi ng proyekto.

Nabanggit ng isang ‘source’ na ang negosyante na si Mr. Rhegis Romero at ang kumpanya nitong Philippine Ecology Systems Corporation (PHILECO) dahil sa pagtingin ng marami na ‘close’ sila sa mga Tiangco’s ng Navotas ay may kinalaman sa pagpapahinto ng proyektong ito.

Ang mga kumpanya daw ni Romero at mga kaibigan nito ang bumili ng mahigit sa limampung hektaryang lupain sa paligid ng itatayong NBBPRP

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, tinawagan namin ang tanggapan nila Mayor John Rey Tiangco at Rhegis Romero para makuha ang kanilang panig sa usaping ito.

Sinabi ng Executive Secretary ni Mayor Tiangco na si Grace Dela Paz na magbibigay ng panayam itong si Mayor Tiangco kahapon ng umaga subalit hinintay namin ang kanilang tawag walang duma­ting. Tinawagan ulit namin wala pa rin si Mayor.

Tinawagan din namin ang tanggapan ng PHILECO para makausap itong si Romero subalit ‘out of town’ daw ito. Nasa Pampanga raw ayon sa kanyang Executive Assistant na si Olive Jamisola. Nangako rin ito na tatawag sila sa aming tanggapan.

Ni-‘refer’ naman kami sa tanggapan ni Mr. Carmencito “Chito” Nombres ang Presidente daw ng PHILECO at ayon naman sa kanyang Executive Assistant na si Shirley Melo wala din daw ito sa kanyang tanggapan.

Isang Engineer na umano’y namamahala sa operasyon ng PHILECO ang nakipag-usap sa amin, si Engr. Rolando Salameda.

Tahasang itinanggi nito ang impormasyon na meron silang kinalaman sa pagkahinto ng ‘dredging project’ dahil ‘land fill’ ang kanilang inaasikaso sa Lungsod ng Navotas.

“Mula 2002 pa kami binigyan ng Navotas ng karapatan na maghakot ng basura at ilagay sa land fill sa Barangay Tanza. Isang ordinansa ang ipinasa ng konseho at ito’y nire-renew tuwing limang taon.

“Ang aming prankisa ay tatagal hanggang 2016. Bakit kami makiki-alam sa dredging project na yan. Si Mr. Romero o ang PHILECO ay walang kinalaman sa pagbibili ng mga lupaing nakapaligid sa project na yan.

“Kung inyong iimbestigahan isang nagngangalang ‘Mr. Tecson’ ng kumpanyang Eco Shield ang siyang namimili ng mga lupa dyan,” mariing sinabi ni Salameda.

Nakakuha kami ng kopya ng resolusyon. Nakasaad dun na PHILECO ang binigyan ng prangkisa para magpatakbo ng land fill.

Ang operasyon ay magsisimula sa Pier 18, Vitas, Tondo, Maynila bilang Marine Loading Station kung saan ang Municipal Solid Waste ay ikakarga sa mga ‘barges’ at pagkatapos ilalagay sa land fill.

Hindi daw dapat humigit sa tatlong libong (3,000) toneladang basura sa isang araw.

Ang makukuhang ‘tipping fees’ ay hahatiin. Anim na porsiyento (6%) ng kinikita na nakolekta ay dapat bayaran nang direkta sa Lungsod ng Navotas at siyamnapu’t apat na porsiyento (94%) ng mga kita ay dapat bayaran sa PHILECO.

Tinanong namin si Salameda bakit ganun ang hatian at tila napakalaki ang napupunta sa PHILECO.

“Libre naman ang paghakot namin ng basura sa Navotas na inilalagay sa land fill,” wika niya.

Napag-alaman ko na hindi lang basura ng Navotas ang maaring magtambak sa land fill kundi pati mga basura ng Malabon at Manila ay maaring gamitin ito.

 Ilan naman sa 3,000 toneladang basura ay galing sa Manila at Malabon kumpara sa basura ng Navotas ay hinahakot ng PHILECO? Tanong ko kay Salameda.

Hindi raw niya alam nung mga sandaling iyon at maari niyang ibigay sa amin ang tamang sagot kapag nakuha niya ang mga pigura.

Sa resolusyon na nagbigay ng prangkisa sa PHILECO hindi naman daw eksklusibo, subalit nakasaad na ang PHILECO ay merong unang karapatan na tanggihan ang anumang proyekto na katulad na kanilang pinamamahalaan, na maaring imungkahi ng Navotas City o sinumang ‘third party’ sa loob ng Navotas City.

Hindi eksklusibo subalit may karapatan silang tanggihan ang anumang katulad na negosyo kahit na ang lungsod na mismo ang nagmumungkahi basta sa teritoryo ng Navotas.

 Itinanggi ni Salameda na pinapaboran sila ng mga Tiangco’s at intriga lang daw yan. Marami raw gustong manira sa kanila.

Sa katunayan may mga kumakalat na polyetos na may debuho kung saan si Romero ay nasa pagitan ng magkapatid na Tiangco na malisyosong binigyan ng kulay ang lahat ng kanilang ginagawang pagsasa-ayos ng PHILECO land fill.

Sino ang nang iintriga? Hindi naman pinangalanan ni Salameda isang malalim na sagot ang kanyang binitiwan.

“Itanong ninyo sa Ecoshield. Iniisip nila na kami ang nasa likod ng mga umaalma sa kanilang ginagawang land fill sa Obando, Bulacan. Tahimik lang kami. Akala nga ng mga tao sa amin yan dahil Ecoshield at PHILECO baka daw sa amin din yan.

“Nabigyan sila ng pahintulot ng Pamahalaan ng Obando gayung alam namin na apat na land fill na meron sa Bulacan. Kaya siguro sila ipinoprotesta ng mga taga Obando,” wika ni Salameda. 

 INAALAM ng aming ‘reportorial team’ kung sino itong si Mr. Tecson na tinutukoy nitong si Engr. Salameda. Siya si Rafael Dalmasio Bernardo Tecson ng RDBT Architects & Associates, na may postal address na 163 Monserrat St., Morning Breeze Subdivision (MBS) Kalookan City.

KAKALKALIN namin ang taong ito. ABANGAN!

PARA sa mga biktima ng krimen o may legal problems, maari kayong tumawag sa 6387285/7104038 o magtext sa 09213263166 o 09198972854.

* * *

Email address: [email protected]

vuukle comment

FILL

ISANG

LAND

LSQUO

NAVOTAS

PHILECO

SALAMEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with