Pakitang-gilas

“KAPAG puno na ang salop dapat nang kalusin.” Ganyan ang sinapit ng dalawang grupo ng carjackers/robbery holdup sa Metro Manila kahapon ng madaling araw. Malaking hamon na kasi sa image ng Philippine National Police kaya bala na ang itinuldok sa kanilang kasamaan.

Sa unang banatan ay tumimbwang ang lima sa walong ka-lalakihan na sakay ng Toyota Fortuner (plate no. NFO-492) at Toyota Innova (ZDX-875) sa Congressional Avenue, Bgy. Culiat, Quezon City. Ayon kay Gen. Sammy Pagdilao, hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, ang mga napatay ay kabilang sa kilabot na Lingtag carjacking/robbery holdup group.

Mukhang magandang regalo ito sa kanilang boss na si Executive Secretary Paquito Ochoa sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force Operation. Kahit paano nabawasan ang mga kilabot na matagal ng tinik sa kanilang lalamunan. Subalit hindi dapat magpatumpik-tumpik ang mga bataan ni Pagdilao dahil ang tatlong nakatakas ay tiyak na maghahasik uli ng lagim. Dapat hanapin ang mga nakatakas.

Mukhang hindi naman drawing ang encounter sa Lingtag group dahil naka-recover ang mga pulis ng mga matataas na kalibre ng baril. Hindi tulad sa mga nagdaang encounter na puro kalawanging kalibre 38 baril ang narekober. Ang Toyota Innova ay kinarnap umano sa Pasay City.

Samantala, binuwenas din ang mga tauhan ni NCRPO- RPIOU Director Alan Purisima dahil dalawa sa limang miyem-bro ng Onad carjacking group ang kanilang napatay sa Ur-      ban corner Buendia Avenue, Makati City. Ang masakit, isang pulis ang tinamaan sa enkuwentro.

Ang napatay ay nakilalang si Dave Garcia, na bumulagta malapit sa Ford Escape (plate no. ZBX-640) na ginagamit ng grupo. Naka-recover sa sasakyan ng sari-saring matataas na kalibre ng baril. Natagpuan naman ang isa pang suspect na nakasubsob sa isang ilog. Ayon sa mga imbestigador, nagtangka itong tumakas kahit may tama.

Biglang bumango ang mga pulis. Hanggang saan kaya ang pakitang gilas nina Pagdilao at Purisima? Abangan!

Show comments