^

PSN Opinyon

Malayo sa bituka

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

BAGONG MILF State. GMA sa watch list. Wala nang second hand na gamit sa PNP. Plakda ang credit rating ng Amerika. Sa dami ng balitang nakagugulantang, ang ulat na pinaka-nakaliligalig sa mga ordinaryong mamamayan ay ang pagkadiskubre ng sobra-sobrang antas ng lead sa mga pang-araw araw na kagamitan ng ating mga anak.

Ang lead ay may neurological toxin o lason na nagiging sanhi ng brain retardation, learning disability at iba pang problema ng kalusugan. Di tulad ng sa mga matanda na may acceptable level ng lead exposure, para sa mga bata ay walang safe level of exposure sa lead.

Ang mga produktong tinesting ng isang pribadong samahan, ang Ecowaste Coaltion, ay pareho rin ng binibili ng marami na benta sa Divisoria. Tinesting nila ang mga PVC raincoat, pencil cases, backpack, mga gamit na karaniwan nang dala ng ating mga anak, lalo na itong panahon ng tag-ulan.

Ang balita ay napapanahon nang tayo’y mapaalalaha-nan na kailangan nating suriin lagi bilang mga consumers ang mga produktong binibili natin. Hindi komo nakakatipid ay agad na itong papatulan.

Ang mga tinesting din ay mga produktong branded subalit hindi malinaw kung lisensyado. Kung mapatunayan ngang fake items ito – isang bagay na makikita sa kamurahan ng presyo – magsisilbi itong aral na hindi masisiguro ang kalidad ng mga peke.

Tama rin na napaalalahanan ang lipunan na kailangang ingatan ang exposure sa lead at iba pang mga kemikal na hindi natin napapansin ang mga masamang epekto sa atin. Ang isa pang hindi nahahalatang sanhi ng Lead poisoning ay ang mga pinturang gamit bago mag1980s. Kung mayroon kayong mga tinitirahan o pinagtatrabahuan na matagal    nang hindi nababago ang pintura, malamang ang gamit diyan ay yung uso noon na mabigat ang lead content.

Sa dami ng nagaganap sa lipunan na makakaepekto sa atin bilang mamamayan, iyon pa ring malapit sa bituka ang dapat unang pansinin. Mabuti at mayroong ganitong inisyatibo mula sa pribadong grupo. Dapat lang na ito’y ta­patan ng pamahalaan ng kaukulang gastos at atensyon nang masiguro ang kalusu-gan at kaligtasan ng lahat.

AMERIKA

DAPAT

DIVISORIA

ECOWASTE COALTION

LEAD

PLAKDA

TAMA

TINESTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with