^

PSN Opinyon

Ginawa ni P-Noy unprecedented

- Al G. Pedroche -

MABUTI ang layunin ni Presidente Noynoy nang palihim niyang kausapin noong isang linggo ang pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Al Haj Murad sa Tokyo, Japan bagamat ito’y sinasabing labag sa protocol. Tingnan naman ninyo ang ibinunga. Tinalikdan na ng grupong ito ang layunin nilang ihiwalay ang Mindanao upang gawing nagsasariling estado at mukhang magtutuloy-tuloy at magbubunga ng positibong resulta ang usapang pang­kapayapaan ng government panel at MILF.

Historical o makasaysayan din itong matatawag. Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa, dalawang oras na nag-usap sa Tokyo sina P-Noy at Al Haj Murad Ibrahim. Ani Ochoa, naging impormal na pulong ng Pangulo at  pinuno ng MILF at nagpalitan sila ng kuro-kuro hinggil sa magiging balangkas ng patuloy na usapang pangkapayapaan at maaaring gawin ng magkabilang panig para mamayani ang tunay na kapayapaan sa rehiyon.

Malugod na sinabi ni Ochoa na nagkasundo ang dalawang panig na ipatupad ang ano mang magiging kasunduan sa panahon ng administrasyong Aquino.

Huwag na lang sanang magbunga ng bad precedent ang pag-uusap na ito. Ang lahat ng pamahalaan at estado ay nagpapatupad ng protocol o mga alituntuning dapat sundin ng mga leader. Hindi kasi puwedeng maging micro-manager ang Pangulo dahil napakaraming problemang kinakaharap ang bansa. Kaya nga mayroon siyang mga gabinete na siyang umaasikaso sa mga suliranin ng bansa. Sabi ng iba, paano kung ang pinuno ng mga teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf ang mag-demand na personal na kausapin ang Pangulo?

Sa mata ng ordinaryong tao, kahangahanga ang ginawa ni P-Noy.

Ayon sa Malacañang kahit ang namayapang ina ng Pangulo na si dating Pangulong Corazon Aquino ay lumabag din sa protocol nang makipag-usap ito sa lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa hangaring magkaroon ng katahimikan sa rehiyon. Samantala, sinabi naman ni presidential adviser Teresita Deles na sadyang inilihim sa media ang nasabing pangyayari upang hind ito maging circus.

Posible umanong hindi natuloy ang  pag-uusap kung nagkaroon pa ng iba’t ibang isyu bago ito naganap.

           

ABU SAYYAF

AL HAJ MURAD

AL HAJ MURAD IBRAHIM

ANI OCHOA

AYON

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with