^

PSN Opinyon

Likas na pangongontra sa lahat?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG taon pa lang ang administrasyon ni President Aquino, pero kung magprotesta ang mga militante sa gaganaping SONA, parang napakatagal nang masama mamuno ni P-Noy. Hindi ba dapat pakinggan muna ang sasabihin, o kaya’y bigyan pa ng konti pang panahon bago kontrahin ang administrasyon? Sa mga nagdaang administrasyon, tila walang nakapagpasaya sa mga militante para hindi sila magkilos-protesta sa kahit isang SONA. Kaya ang tanong ko, likas na lang ba talaga sa mga militante ang kontrahin lahat ng nakaupong administrasyon? Basta may gobyerno, kailangan kontrahin? Hindi ba anarkiya iyon?

Ako mismo ay nagbibigay ng higit isang taon bago ako magsalita na sa mga nakikita kong pagkukulang ng isang administrasyon. Kumbaga, hindi de-kahon ang mga gusto kong sabihin porke’t may administrasyong nakaupo kundi punto por punto. Nagtaka lang kasi ako sa aga ng paghahanda ng mga militante at ng kanilang gagawing kilos-protesta sa SONA, sa isang presidente na napakataas pa ng approval rating sa tao, at hindi pa nila alam kung ano ang sasabihin! Kung ganun, sila ba yung minoridad na hindi nasisiyahan sa pamamahala ni P-Noy sa ngayon? Ang kilala kong likas na kokontra sa administrasyon ay ang mga oposisyon— mga kaalyado ni dating President Arroyo. Doon na ba sila nakaalyado, o likas na lang ang pangongontra sa lahat?

Nagtatanong lang naman dahil sa tingin ko ay mas­yado pa ring maaga ang isang taon para sabihing masama na ang pagpapatakbo ng administrasyong ito, lalo na’t tila naglilinis pa sila ng basura na iniwan ng nakaraang administrasyon! At hindi pa nga matapos ang paglilinis dahil lumalabas pa unti-unti! May mga nagsasabi na nga na dahil puro paghahanap at paglilinis ng basura ng nakaraang administrasyon ang inaatupag ni P-Noy, wala nang nagagawang traba­ho para sa pagpapaunlad ng bansa at paghanap ng mga solusyon sa iba’t ibang problema. May punto roon, pero hindi ba bago ka makapagtrabaho ng maayos sa kalilipat mong tahanan ay dapat matanggal na muna ang lahat ng kalat at basura? Kaya sigu­ro ito na rin ang inaatupag ng kasalukuyang administrasyon, para makasulong na nga sa daaang matuwid na programa ni P-Noy. Kaya baka naman pwedeng bigyan pa ng konti pang panahon, at pakinggan na muna ang sasabihin, bago magsunog na lang ng kung anong effigy niya! Sigurado kasing susunugin naman iyon kahit ano pang sabihin niyang maganda o mabuti para sa bansa.

ADMINISTRASYON

KAYA

KUMBAGA

NAGTAKA

NAGTATANONG

P-NOY

PRESIDENT ARROYO

SIGURADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with