'Kwidaw sa drag racers ng Macapagal Ave.!'
PEBRERO ng taong ito nang isagawa ng Highway
Patrol Group (HPG) at BITAGang gulpi de gulat na inspeksyon sa Macapagal Avenue, Parañaque City.
Agad na umaksyon ang HPG matapos makatang- gap ng sandamakmak na reklamo na may kinalaman sa nagaganap na drag racing sa nasabing kalsada.
Pagdating sa Macapagal Avenue, mangilan-ngilan lamang ang nagtakbuhan at nagpulasan subalit mas marami ang nagpanggap na miron lamang at ‘di natinag sa lugar.
Bagama’t makailang beses nang na-raid ang Macapagal Avenue, walang takot ang mga drag racer na magpabalik-balik sa kalsadang ito para makipagkarerahan.
Malakas ang loob ng mga kolokoy na ito dahil kahit mahuli sila ng mga pulis tulad ng HPG, alam nilang walang batas na maikakaso sa kanila at walang paniket ang HPG.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, Sa darating na Agosto 1, 2011, ipapatupad na ang speed limit na 60kph sa kahabaan ng Macapagal Avenue.
Magiging epektibo lamang ang pagpapatupad ng batas na ito basta alerto at mahigpit ang mga alagad ng batas.
Dahil sa patuloy na nangyayaring karera doon, parehong nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga illegal street racers at nagrereklamong mamamayan ng Parañaque.
Bukod pa dito ang lantarang pakikipagpustahan ng malaking halaga ng pera na umaabot ng isang daang libong piso o kung minsan ay higit pa.
Kahit lumipat pa ang mga drag racers ng lugar na pagkakarerahan, patuloy na tututukan at susundan ng
BITAG ang kabataang nalululong dito. Hindi namin kinukunsinti ang mga iligal na transaksyon at bisyo tulad nito. Kwidaw sa mga drag racer na ginagawang palaruan ang kahabaan ng kal sada sa Macapagal sa kanilang iligal na karera at pustahan.
- Latest
- Trending