^

PSN Opinyon

'Ang 911.'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

POPULAR sa buong mundo ang ibig sabihin ng mga nu­merong 911. Maging tayong mga Pinoy, alam na emer­gency hotline ito na ginagamit sa United States.

Kung sa Pilipinas, 117 naman ang katumbas nito kung saan maaaring ireport ng mamamayan ang mga krimen at iba pang emergency situation sa lipunan.

Sa America, bibihira ang nakakapasok at nakaka-     kita sa mga 911 communication center. Kahit na mga miyembro ng media, hindi basta-basta pinauunlakan dahil sa usaping homeland security.

Masuwerteng naidokumento ng grupo ng BITAG ang loob ng tanggapan at masaksihan ang aktuwal na operasyon sa loob ng San Mateo Community Res­ponse Center.

Dito pumapasok ang mga 911 o emergency calls     mula sa mga residente ng dalawampung siyudad na bumubuo sa San Mateo County.

Ang San Mateo Community Response Center ang nagdi-dispatch ng mga tawag sa mga Police Departments sa iba’t ibang siyudad sa San Mateo County.

At ang Communication Center namang ng bawat Police Department ang nagpapadala ng impormasyon sa mga pulis para rumesponde. Ito’y sa pamamagitan ng teknolohiyang nakakabit mismo sa kanilang patrol car, ang radio communication system.

Tatlong uri ng emergency call ang natatanggap ng 911, Medical Assistance, Fire Service at Police Res­ponse.

Dito nakilala ng BITAG ang kaisa-isang Pinoy dispatcher sa San Mateo Community Response Center, si Rey Pagarigan.

Siya ang sumasagot ng mga tawag sa San Mateo County tungkol sa mga report sa krimen at kaguluhan o Police Response Calls.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ni Rey at ng ibang 911 dispatcher sa America. Nakasalalay sa kanila ang buhay ng mga pulis na nagpapatrolya sa kalsada.

Kapag hindi bihasa sa pagkuha ng mga impor-masyon ang isang dispatcher sa lugar ng krimen, profile ng suspek at iba, maaaring ikapahamak ng mga pulis ang pagrespon-de sa isang tawag.

Lahat ng ito at iba pang istorya ng pagpapatrolya sa kalsada sa California ng mga Pinoy US cops sa programang “Ride Along” ni Ben Tulfo sa TV5, sundan, abangan!

ANG SAN MATEO COMMUNITY RESPONSE CENTER

BEN TULFO

COMMUNICATION CENTER

DITO

FIRE SERVICE

PINOY

SAN MATEO COUNTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with