^

PSN Opinyon

Renewable Energy Program seryosohin

- Al G. Pedroche -

SA gitna ng tuluy-tuloy na pagtaas sa halaga ng produktong petrolyo gayundin ng presyo ng elektrisidad, nakikita natin na papaubos na ang supply ng krudong langis na nahuhukay sa ilalim ng lupa. Walang magagawa riyan ang mga bansa kundi tumuklas ng ibang mapagkukunan ng enerhiya. Matinding pasakit sa ekonomiya ng bawat bansa ang problemang ito dahil batid natin na kung kapos ang enerhiya, mababansot ang paglago ng ekonomiya.

Sa kalagitnaan ng buwang ito, inilunsad ng administrasyon Aquino ang National Renewable Energy Program (NREP) na ang layunin ay lutasin ang mabigat na problema ng mamamayan sa walang tigil na pagtaas ng singil at ka-kulangan sa koryente, lalo na sa kanayunan at mga liblib    na lugar sa bansa, ani Executive Sec. Paquito Ochoa.

Sana, hindi ito makabilang sa mga programang matapos ilunsad ay nakakatulugan tulad nang sa mga nakalipas na administrasyon. Pero ano nga ba ang programang ito? Ani Ochoa, ang programa ay ang pagsasagawa ng gobyerno ng mga hakbangin at ang pagsusulong ng mga polisiya para sa pagkakaroon ng renewable energy.

Hindi lang basta ibang mapagkukunan ng enerhiya ang layon nito kundi makatuklas ng mga source of energy na environment friendly. Wika nga, yung hindi nakarurumi sa ating kapaligiran dahil matinding problema rin ng buong daigdig ang tinatawag na climate change. Nakikita na natin ang epekto niyan sa mga mababagsik na bagyo na dinaranas natin tuwing taon.

Ang NREP, aniya, ang solusyon para sa pagkakaroon ng pangmatagalang pagkukunan ng enerhiya at isang paraan din para hindi matali ang Pilipinas sa mapanikil na pandaigdigang merkado ng langis. Sa pamamagitan ng NREP ng administrasyon ni P-Noy, inaasahan na mula sa kapasidad ng renewable energy na 5,400 megawatts noong 2010 ay magiging 15,300 megawatts ito sa 2030.

Hindi biro ang pro-blema sa pagbabago ng klima at pagkaubos ng pinanggagalingan ng enerhiya. Magkatuwang iyan at isang “solomonic solution” ang kailangan para maresolba ang higanteng problemang ito.

ANI OCHOA

AQUINO

EXECUTIVE SEC

MAGKATUWANG

MATINDING

NAKIKITA

NATIONAL RENEWABLE ENERGY PROGRAM

PAQUITO OCHOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with