^

PSN Opinyon

Just-tiis culture tuldukan

- Al G. Pedroche -

JUST-TIIS. Ito ang pakutyang tawag sa “justice system” na umiiral sa bansa dahil sa kawalang-katarungan na dinaranas ng iba nating kababayan lalu na yung walang pera at impluwensya. Palasak na ang katawagang ito pero isang masaklap na katotohanan na umiiral pa rin ang inhustisya sa ating lipunan. Batid ko na kahit ang Pangulo mismo ay nakikita ang problema.

Kaso, isang co-equal branch ng gobyerno ang ating hudikatura at ang tanging magagawa ng Presidente ay manawagan, hindi lamang sa mga mahistrado at hukom kundi maging sa mga law practitioners. Totoong dapat nang matuldukan ang pagtitiis ng ilan nating kababayan na nagdurusa sa kawalan ng hustisya.

Kamakailan, Hinamon ni Presidente Noynoy Aquino ang mga alumni ng Ateneo Law School na sumuporta sa pamahalaan sa pagpuksa sa ganitong pangit na kultura. At dapat lamang tumugon ng positibo ang mga abogado sa hamon. Una sa lahat, may sinumpaan silang tungkulin na kilalanin ang batas sa paraang walang kinikilingan kundi yung tama.

Makatuwirang isulong ang prinsipyo ng “abogado para sa iba” na sinimulan ni founder at dean emeritus Fr. Joaquin G. Bernas, S.J.

Wala akong nakikitang magandang rason para hindi umayon hindi lamang ang alumni ng Ateneo Law School kundi lahat ng mga abogado sa panawagan ng Pangulo na magsilbi sa ngalan ng hustisya, partikular sa pagkakaloob ng legal na ayuda sa mga mahihirap.

Hindi mahirap ang hinihingi ng Pangulo lalo’t isinusulong ng kanyang administrasyon ang mga reporma na magkakaloob ng parehas na hustisya para sa mga Filipino.

Dapat papurihan rin si Pangulong Aquino sa pagdaragdag ng pondo ng Department of Justice (DoJ) para sa suweldo ng mga kawani alinsunod sa salary standardization law. Bilang bahagi ng reporma, patuloy na babantayan ng Pangulo ang mga ilegal na aktibidades sa lahat ng sangay ng pamahalaan, partikular sa Bureau of Correction (BuCor) at Office of the Ombudsman.

ATENEO LAW SCHOOL

BATID

BUREAU OF CORRECTION

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOAQUIN G

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with