^

PSN Opinyon

Ano ngayon kung magka-riot sa loob?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HINDI na muna pinatibag ni DOJ Sec. Leila de Lima ang mga kubol sa loob ng NBP, na pag-aari ng mga mayayaman na bilanggo. Nagbanta na magra- riot ang mga gang sa NBP kung ipagpapatuloy ang planong pagtanggal ng mga maluluhong kubol. Patunay lamang na hindi na ang mga guwardiya, opisyal, director at kung sinu-sino pa ng Bureau of Corrections ang nagpapatakbo ng NBP, kundi ang mga “gang” na ito. Wala nang kontrol ang mga otoridad sa mga bilanggo. Nagagawa na nila ang gusto nilang gawin sa loob, at sa labas ng NBP.

At bakit nagpapasindak ang gobyerno sa banta na ito? Ano ngayon kung magka-riot sa loob? Aapaw ba sa labas ng NBP? Hindi ba makakalaban ang PNP? Natatakot ba ang gobyerno na sila ang matatalo? Ilang paglalabag na ang nakikita sa loob ng NBP. Bakit mga bilanggo pa ang pinakikisamahan? Bakit sila pa ang may angas na magbanta?

Kinausap ng ilang mambabatas ang mga lider ng mga gang sa NBP ukol sa pagtibag na ng mga kubol. Nakikiusap daw ang mga bilanggo na huwag tanggalin. Ito ang mahirap sa sistema ng pagpapatakbo sa lahat na lang ng ahensiya ng gobyerno – pakiusap! Ano ba ang karapatan ng isang bilanggo, maliban na siya’y huwag imaltrato ng mga guwardiya, at mapakain ng tatlong beses sa isang araw? Ano ba ang ibig sabihin ng mabilanggo? Ano ba ang ibig sabihin ng hindi ka na malaya?

Itong mga gang ay patuloy na lumalabag sa batas kahit nasa loob na ng NBP! Nasiwalat na lahat iyan dahil sa pagkakahuli kay Antonio Leviste habang nasa labas ng NBP. Oras na para purgahin ang lahat ng masamang sistema at pamamalakad sa NBP, hindi para pagbigyan ang mga “gang” na patuloy na lumalabag sa batas! Kung pagbibigyan nang pagbibigyan ang mga grupong ito, kailan titigil ang kanilang pagbanta ng riot para sa lahat ng gusto nilang mangyari sa loob ng bilangguan? Tayo na ba ang hostage? Gobyerno na ba ang hostage? Mali naman yata iyon.

Nagalit na ang ilang mambabatas nang inspeksyunin nila mismo ang loob ng NBP at nakita nga ang mga kubol. Ano pa ang dapat i-kompromiso? Kung kamay na bakal ang kailangan, at sa tingin ko ay kailangan na, gamitin na. Dapat umiral ang hustisya, hindi kompromiso. Ano ang silbi ng bilangguan kung sila ang masusunod at gumagawa ng mga kriminal na aktibidad? 

vuukle comment

AAPAW

ANO

ANTONIO LEVISTE

BAKIT

BUREAU OF CORRECTIONS

DAPAT

GOBYERNO

LOOB

NBP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with