^

PSN Opinyon

'Tuloy pa rin ang adbokasiya...'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

KASALUKUYANG nasa United States ang grupo ng BITAG para sa isang proyekto, subalit patuloy pa rin ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng programang ISUMBONG MO KAY TULFO! Ni Mon Tulfo.

Isang OFW ang lumapit sa programang Isumbong Mo Kay Tulfo, inirereklamo nito ang kanyang asawa sa pananakit at emotional abuse.

Dagdag pa nito, ayaw ibalik sa kanya ang kanyang siyam na buwang gulang na anak. Tangay din ang ilang naipong pera nito at gamit.

Sa ating batas, nakapaloob sa Family Code na ang isang bata, edad anim pababa ay sa ina awtomatikong mapupunta ang kustodiya.

Subalit ayon sa nagrereklamong ina, isang buwan ng nananatili sa pangangalaga ng kanyang asawa ang kanyang siyam na buwang gulang na anak.

Dito agad na inaksyunan ng Isumbong Mo Kay Tulfo kasama ang grupo ng BITAG, ang kanyang hinaing.

Maaga pa lang tumulak na patungong Guagua, Pampanga ang grupo at nakipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development ng Guagua Police Station.

Matapos makumpleto ang mga kaukulang papeles sa isasagawang rescue, nagtungo na ang grupo ng Isumbong mo Kay Tulfo, BITAG at mga social worker sa Nepomuceno Brgy. Hall.

Sa Brgy. Hall kung saan isasagawa ang pagbawi sa bata, nagkaharap din ang nagrereklamong ina at ang kanyang asawa, kasama ang DSWD at ang Kapitan Barangay.

Sa kahilingan ng DSWD na gawing priba-do ang pag-uusap, hindi na pinayagang makapasok pa ang aming kamera.

Sa bandang huli, pu­mayag na rin ang ama ng bata na ibigay ang pa-ngangalaga ng kanilang anak sa kanyang ina.

Payo ng DSWD, ba-ga­­ma’t nasa ina ang kustodiya ng bata, hindi pa rin maaaring ipagkait ang tinatawag na paternal rights ng ama sa kanyang anak.

Nasa pag-uusap at kasunduan ng parehong magulang kung paano ang magiging hatian ng kanilang responsibili- dad sa kanilang anak.

Matapos ang mata­gumpay na operasyon, muling bumalik sa tanggapan ng Isumbong Mo Kay Tulfo ang ina kasama ang kaniyang anak.

Para sa Isumbong Mo at sa BITAG, hindi namin pinakikialaman ang personal na buhay o alitan sa loob ng pamilya ng mga nagrereklamo.

Manghihimasok kami kung nagkakaron na ng pang-aabuso at ipinagkakait ang ka­rapatan ng isang tao, ito ang sentro ng aming adbokasiya.

FAMILY CODE

GUAGUA POLICE STATION

ISUMBONG MO

ISUMBONG MO KAY TULFO

KANYANG

KAPITAN BARANGAY

KAY TULFO

MATAPOS

MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

NEPOMUCENO BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with