^

PSN Opinyon

The Ombudsmen

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG pagpuno ng presidente ng vacancy na iniwan ni Merci Gutierrez ay kritikal sa tagumpay ng kanyang programa. Sabi nga ng iba, ito na ang magiging last stand ni Presidente Aquino upang patunayan ang sinseridad at kakayahang gampanan ang hinihiling ng kanyang posisyon. Sino ang hihirangin niyang mukha ng pinakaimportanteng programa ng kanyang palatuntunan de gobyerno?

Probity. Independence. At least 40 years old. Sa mga short list, apat na pangalan ang agad sumisigaw at nangingibabaw. Una rito si Gilberto “Gibo” Teodoro. Kasunod ay sina Jose Manuel “Chel” Diokno at Ernesto “Jun” Francisco, Jr.

Malilinis ang pangalan. Lahat ay nasa 40s ang edad. Hindi nadidiktahan – mga maverick kung tawagin o may sariling paninindigan. Kilala sa galing at talino – si Gibo ay graduate ng UP Law, Harvard Law at No. 1 sa Bar; si Chel ay nagtapos sa Northern Illinois University College of Law at ngayo’y Dean ng DLSU Law School; si Jun taga-Ateneo Law at ngayo’y propesor ng Constitutional Law sa PLM Law at DLSU. Bawat isa sa kanila’y tinitingala dahil sa rekord nila bilang fighters for good governance. Sino ang makakatalo sa legacy ni Gibo sa Department of National Defense kung saan ang tradisyonal na baluktot na daan ng military contracts ay biglang naging tuwid? Mayroon na bang pumaris kay Chel sa kanyang propesyonal na pangangasiwa sa mga imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee bilang Chief Counsel? At si Jun ay may reputasyon na bilang “the 25th Senator” dahil halos lahat ng sinampang kaso sa Supreme Court laban sa abuso ng pamahalaan ay nagreresulta sa panibagong interpretasyon ng batas.

Mapalad ang Pilipino na ang mga magiting na abogadong ito ay kasama sa pinagpipilian na Ombudsman. Subalit mas masuwerte kung makuha ni P-Noy na sama-samang maglingkod ang tatlo bilang iisang team - the Ombudsmen! Ang hindi mapi-ling Ombudsman ay hihiranging Overall Deputy Ombudsman o Deputy for Luzon, mga posisyong bakante na rin. Never sa kasaysayan ng bansa na naging ganito kalakas ang institusyon ng Ombudsman.

Sa totoo lang ay hindi ito mangyayari dahil may diskwalipikasyon ang Saligang Batas na hindi maaring maging Ombudsman ang sinumang tumakbo sa nakaraang eleksiyon. Sayang at hindi puwede si Gibo. Pero maganda ang konsepto. Maging maingat sa pagbuo ng isang malakas na team. Sa ganitong paraan masisiguro na ang kampanya ng presidente ay may mas malaking tsansang magwagi.

ATENEO LAW

CHEL

CHIEF COUNSEL

CONSTITUTIONAL LAW

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

GIBO

HARVARD LAW

JOSE MANUEL

LAW

LAW SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with