Kamay na bakal ni Bacalzo
Patay na ang chief international terrorist na si Osama Bin Laden. Pero huwag tayong sobrang matuwa. Bagkus, lalung maging mapagmatyag at mag-ingat sa posibleng pagganti ng kanyang mga alipores.
Sabi nga ni PNP Chief General Raul Bacalzo, dobleng ingat ang dapat pairalin. Tama. Militar o pulisya, dapat laging alerto dahil ang mga ahensyang iyan ang bantay ng seguridad ng bansa. Kaya kung masalimuot man ang pag-rekisa sa mga tao sa mga pampublikong lugar tulad ng LRT, MRT, malls o mga daungan at pali-paran, huwag nang umangal. Mas mabuti na iyan kaysa malusutan tayo ng suicide bomber. Better safe than sorry wika nga.
Si Bacalzo ay laging preparado sa mga emergency situations. Palaging may mga handang contingency measures. Kakaunti ang nakababatid na siya ang nanguna sa negosasyon para makalaya sa kamay ng mga kidnappers na Manobo ang 15 guro at mga kabataan. Gusto ng mga Manobo na palayain ang kaanak na si Ondo Perez na nakakulong din sa salang kidnapping. Walang karahasang naganap at pinalaya ang mga biktima.
Hindi katakatakang mataas ang kanyang popula-rity rating sa mga surveys. May pagkakataon pa ngang mismong ang kanyang bossing na si Local Government Secretary Robredo ay naungusan niya sa survey. Nagpapakita ito na may popular support ang mga inisyatibo sa reporma sa PNP ni Bacalzo. Wala kasing sinasanto si Bacalzo lalu na kapag mga tauhan niya ang dawit sa katiwalian. Gumagamit ng “kamay na bakal.”
Among Bacalzo’s noteworthy undertakings is the wiping out of the backlog on the prosecution of erring policemen. Siguro ay may mangilan-ngilan pa ring matitigas ang ulo na dawit sa katiwalian pero kapag ang mga iyan ang nahataw ng kamay na bakal ni Bacalzo, kalaboso ang bag sak ng mga iyan.
Tayo’y pumupuri para maging insentibo sa mga opisyal na gumaganap nang maayos sa tungkulin. Iyan kasi ang kailangan natin ngayon. Tunay na reporma. At kung sasablay naman sa tungkulin, kahit si Bacalzo’y hindi makakalampas sa ating tuligsa. Wika nga, pumuri sa dapat purihin at batikusin ang dapat batikusin.
- Latest
- Trending




















