HINDI biro ang sumuporta at llamado na kung baga sa karera ng kabayo ang Reporductive Health Bill dahil sangkatutak na ang nagsusulong dito ngayon.
Naging dingding este mali nanindigan pala si P.Noy sa RH Bill na bigay todo ang suporta niya todits kahit pa saradong katoliko ang family circle niya.
Sabi nga, ok as in tama ang sinasabing ‘responsible parenthood’.
Ika nga, gumamit ng condom at iba pang contraceptives para maiwasan ang pagdami ng kuting este mali supling pala.
Basta huwag lang abortion kontra pati ang mga kuwago ng ORA MISMO, dito.
Dehins takot si P. Noy sa banta ng simbahan na i-excommunicate siya ng church dahil naninindigan ito na isulong ang pagsasabatas ng RH Bill na pinagtatalunan ng maraming politics, churches at iba pang gustong maging bida.
Sabi nga, naging matapang si P. Noy sa pagtitinda este mali paninindigan pala.
Sa Hong Kong, China, Taiwan at maging sa Singapore ay mas mahigpit pa ang kanilang population control doon kahit mas mauban este maunlad na country sila kaysa sa Philippines my Philippines.
Bakit?
Ayaw na nilang dumami pa ang madlang people sa kanilang teritoryo.
Isa pang talk of the town ngayon sa Republic of the Philippines my Philippines ay ang support na ibinigay ng Iglesia Ni Cristo sa Reproductive Health bill at iba pang religious group.
Sabi nga ni House Minority leader Rep. Edcel Lagman, hayaan na lamang ng catholic church na maging bata este mali batas pala ang RH Bill.
Ika nga, ni Edcel - “Quo vadis CBCP on the RH bill?”
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hati rin ang katolikong kaparian sa usapin ng RH Bill.
‘Ano ngayon ang mainam gawin?’ Tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.
‘Wait ang see kung sino ang magwawagi sa contest este pinaguuspan pala’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Paano kung maging batas ang RH Bill, maging makasalanan kaya ang mga sumuporta dito? Tanong ng kuwagong urot.
‘Kamote, iyang ang itanong mo kay Lord.’
‘May lobby fund ba dito?’
‘Lagapot ikaw ang sumagot niyan’. Hehehe!
Rep. Tiangco vs oil companies
ANONG action ang ginagawa ng government of the Republic of the Philippines my Philippines laban sa mga oil companies na nagpapahirap ng todo sa madlang people?
Hindi biro ang sunud-sunod na pagtaas na presyo ng petroleum products na ginawa nila.
Sabi nga, weekly ang pagbulusok kaya naman ang mga pobreng alindahaw iyakan umaatikabo.
Gusto ni Navotas Rep. Toby Tiangco na pabulatlat ang book of accounts ng mga oil companies para magkabistuhan na kung gaano kalaki ang nakulimbat este mali kinita pala nila sa madlang consumer.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtaas ng P150.00 kada litro at kung mag-rollback naman sa presyo malaki na ang P.50.
Ika nga, oil cartel...ang dating.
Bumakbak si Tiangco sa DOE na kalkalin ang book of accounts ng oil companies the other week heto mabilis pa sa alas kuatro nag-rollback agad ng presyo.
Siguro panahon na para pagpaliwanagin ni Tiangco ang DOE kung paano nila binabantayan ang halos araw-araw na pagtaas ng presyo ng produkto ng langis.
Kailangan din pukpukin ni Tiangco ang DOE para malaman mula mga oil companies kung saan at kailan nila binili ang kanilang mga stock.
Siguro dapat himukin ni Tiangco ang mga kasamahan niya sa Kongreso na kasuhan ng gobierno ang mga oil companies sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng kanilang oil products.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, muli tataas ang presyo ng mga petroleum product.
Abangan