^

PSN Opinyon

Zero crime target

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

Nais palang itala ni National Capital Region Police Office chief P/Dir. Nicanor Bartolome ang zero crime ngayong semana santa kaya itinalaga niya ang may 5,000 pulis sa lahat ng sulok ng Metro Manila.

Magtagumpay kaya siya? Sa ngayon, todo ang kanyang paghihigpit sa lahat ng kanyang kapulisan upang mapanatili ang katahimikan ng paligid. At bilang patunay, kanyang pinangasiwaan ang pag-inspection sa mga bus terminals at LRT/MRT station upang makitang personal ang papel na gagampanan ng kanyang mga kapulisan. Ipagbawal muna ni Bartolome ang pag-leave ng kanyang mga kapulisan upang ikalat ito sa mga lansangan. Nagtalaga rin siya ng mga police marshall upang tumugon sa pangangailangan ng mga pasahero laban sa mga holdaper habang naglalakbay ang mga ito. Ang lahat ng mga terminal ay may pulis na magi-inspection sa mga pasahero at kargamento upang di malusutan ng mga terorista. Maging ang LRT at MRT ay may kapulisan rin siyang itinalaga upang umasiste sa mga security guard upang maging ligtas ang lahat ng mga pasahero.

Inatasan rin niya ang 5 District Director ng kapulisan na paigtingin ang pagpapatrulya upang mahadlangan ang pa-nanalakay ng mga akyat bahay gang. Kaya itong si MPD   Dir. P/CSupt. Roberto Rongavilla ay 24/7 kung mag-inspection sa lahat ng kanyang mga tauhan upang masigurong ligtas ang mga Manileños sa kuko ng mga mandarambong. At upang lalong lumakas ang puwersa ng kapulisan ay pinulong ni Bartolome ang lahat ng mga barangay tanod sa buong Metro Manila upang maging katuwang ng kapulisan sa pagpatrulya sa araw at gabi. Bahagi lamang ito sa umaatikabong aksyon ni Bartolome upang maging matagumpay sa kanyang adhikain na zero crime. Ito na kaya ang tulay tungo sa pagiging Philippine National Police chief? Marahil ito na nga ang sukatan dahil marami na ang nakakapuna sa pagiging malamya ni PNP chief P/DG. Raul Bacalzo. Mahirap na kasing mahagilap itong si Bacalzo sa ngayon kaya si Bartolome na lamang ang gumaganap, ayon yan sa aking mga nakausap sa Manila Police District. Kung sabagay, tama lamang na maghigpit itong si Bartolome dahil sa hirap ngayon ng buhay-buhay, marami sa ating mga kababayan ang nalilihis ng landas dala ng gutom na nadarama. Pataas kasi ng pataas ang halaga ng petrolyo kaya parang saranggola naman ang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin. At kung magpatumpik-tumpik pa itong si Bartolome, tiyak na lalaganap ang krimen dito sa Metro Manila. Subalit mukhang hindi kakayahin ito basta-basta ni Bartolome kung hindi ninyo tutulungan mga suki. Kaya ang mabuti mga suki, upang makasiguro tayo na magiging ligtas tayo ay matamang mag-ingat tayo sa ating sarili.

vuukle comment

BARTOLOME

DISTRICT DIRECTOR

KANYANG

KAPULISAN

KAYA

LAHAT

METRO MANILA

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with