^

PSN Opinyon

Nakalungayngay si 'Peter'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Doc Elicaño, good day po. Ako ay 50 years old, biyudo at isang OFW dito sa Saudi Arabia. Meron akong kalive-in na nurse dito at balak na naming pakasal pag-uwi sa Pilipinas. Nagtataka ako sa aking sarili kung bakit lumalaylay ang aking si “Peter” sa tuwing kami ay magtatalik ng aking nobya. Kahiya-hiya po sapagkat kung kailan nasa climax ay doon lumulungayngay si “Peter”. Kahit anong pilit kong patayuin ay ayaw talaga. Impotent na ba ako? Payuhan mo po ako.” ---DANTE M. ng Jeddah

Hindi ka impotent dahil sabi mo ay kapag malapit na sa climax lumulungayngay si “Peter” mo. Ang impotent ay yung walang kakayahang tumigas. Maaaring stress ka lang, pagod, o depressed kaya ganoon ang nangyayari.

Maraming dahilan kung bakit ayaw tumigas si “Peter”. Maaaring side effect ng iba’t ibang problemang physical, psychological at emotional. 

Sa physical disorders, kabilang dito ang pagkakaroon ng sakit na diabetes, atherosclerosis, thyroid disorders, sakit sa nervous system, urinary tract at genetals. Posibleng dahilan din ang mga iniinom na gamot sa hypertension. Dahilan din ang anxiety, guilt at embarrassment.

Ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak ay mga dahilan kung bakit ayaw tumigas si “Peter”. Sa pag-inom ng alak, nababawasan ang lakas ng nerve signals. Nagi­ging sanhi rin ito ng production ng male hormone androgen.

Sa pag-aaral, ang mga lalaking may mataas na cholesterol level ay malaki ang panganib na maging impotent. Nahaharangan ng cholesterol ang mga ugat patungong ari at ito ang dahilan para mabawasan ang blood pressure na kailangan para tumigas si “Peter”. 

DAHILAN

DOC ELICA

JEDDAH

KAHIT

KAHIYA

MAAARING

MARAMING

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with