^

PSN Opinyon

Trafficking

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HINDI ko akalaing matindi na rin ang human trafficking sa ating bansa. Akala ko iligal na droga ang pinaka-malaking problema at salot ng bayan, pati human trafficking din pala. Naaalala ko tuloy ang pelikulang “Taken”, kung saan human trafficking ang paksa ng pelikula. Mabuti sana kung kasing galing ni Liam Neeson ang lahat ng opisyal sa atin, o kung ganun nga kadali maghanap ng isang tao kapag nawala o nadakip na ng mga sindikato.

Mabuti na lang at naligtas ang isang katorse anyos na babae mula sa mga halimaw na trafficker. Sa koordinasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking(IACAT), NBI at PNP, nahuli ang mag-asawang sangkot sa napakasamang krimeng ito. At napakasama talaga. Mangingidnap sila ng mga dalagita at pipiliting “magserbis” ng mga kli-yente kapalit ang pera. Sa kasong ito kung saan naligtas ang isa nilang biktima, pinatutubos pa sa magulang ang bata matapos mapakinabangan! Kaya nahuli. Bitay ang dapat na parusa sa mga ito, pero dapat malaman na muna ang lalim ng kanilang organisasyon sa Pilipinas.

At tila malalim nga, dahil may opisyal ng Bureau of Im­migration(BI) na kinakasuhan na rin hinggil sa human trafficking. Dapat nga naman may mga kontak sa BI ang mga trafficker. Katulad nito, na ginawan ng paraan ang pitong biktima na makaalis kaagad sa Ninoy Aquino International Airport noong Setyembre ng nakaraang taon, kahit walang mga tamang dokumento. Kung hindi nahuli, ano na kaya ang nangyari sa pitong biktima? Baka hindi na nila nakita muli ang mga kapamilya nila, o hindi na makabalik ng Pilipinas!

Dapat mabuksan na rin ang mata ng mamamayan ukol sa human trafficking, katulad ng nangyari sa drug traffi-cking. Ngayon, mas alam na ng tao ang problema ng mga sindikatong gumagamit ng mga Pilipinong drug mule. Dapat malaman na rin kung paano kumikilos ang human traffi-cking. Lalo na ang mga koneksyon nila sa mga opisyal ng gobyerno, para matulungan silang mailabas ang kanilang mga nabibiktima. Iyan ang mahirap kapag nasisilaw sa   pera. Kahit alam na kriminal na aktibidad na nakakasira ng buhay, wala nang pakialam basta’t magkapera na lang.

BITAY

BUREAU OF IM

DAPAT

HUMAN

INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

IYAN

LIAM NEESON

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with