^

PSN Opinyon

Kapit-tuko?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KAYA pala kapit-tuko sa puwesto si Ombudsman Merceditas Gutierrez ay dahil marami umanong matataas na opisyal ng pamahalaan ang masasagasaan kabilang na rito si dating president at kasalukuyang Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo. Kung nakayanan niya na balewalain noon ang paggiling sa kanya ng House of Representatives, tiyak na lulutang siya sa harap ng mga senador sa Mayo 8 para sa kanyang impeachment. Pero marami palang kakampi si Merci sa Senado dahil ngayon pa lang ay magkakaiba na ang paninindigan at pananaw ng ilang senador sa impeachment. Itanong n’yo yan kay Manong Johnny Enrile, mga suki!

Tiyak na dadaan sa butas ng karayom bago mapatalsik si Merci. Papayagan kaya ng mga kaalyado ni Merci na isiwalat ang lahat ng baho sa ZTE deal at Hello Garci isyu sa taumnbayan oras na gumiling na ang Kangaroo Court este impeachment hearing sa Senado. Marahil hindi dahil sangkaterbang kahihiyan na ang natamo ng bansa at ang nilustay na datung dito ay galing sa kaban ng bayan. At habang mainit pa ang balitaktakan ng ilang senador sa proseso ng pag-impeach kay Merci, may isa pang mainit na isyu ang lumabas hinggil sa pagpapatalsik naman kay Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez III.

Binabalewala rin kasi ng Ombudsman ang kautusan ni President Noynoy Aquino sa pagpapatalsik kay Gonzalez dahil illegal ito sa Saligang Batas. Tanging Korte Suprema lamang ang may karapatan sa usaping ito at walang “K” si P-Noy. Mukhang pang-uurot lamang ito ng mga matataas na opisyales at department heads ng Ombudsman sa takot na magkaroon ng “domino effect” ang pagbagsak nina Merci at Gonzalez.

Natural na sa ating lipunan, na kapag nasibak ang mga namumuno, tiyak madadamay na ang mga galamay. Ang basehan umano sa pagsibak ni P-Noy kay Gonzalez ay ayon sa finding ng Hong Kong court sa nangyaring hostage taking sa Quirino Grandstand noong August 23, 2010 kung saan walong Hong Kong nationals ang pinatay ni Chief Inspector Rolando Mendoza. Kinikikilan umano ni Gonzalez ng P150,000 si Mendoza, at isa ito sa dahilan kaya nagawa ni Mendoza na mang-hostage.

Noong ginaganap ang negosasyon, ipinagsigawan ni Mendoza ang kahilingan na rebisahin ang kanyang admi­nistrative case sa Ombudsman subalit ipinagkait sa kanya. Ngayon ay nagmamatigas si Gonzalez kahit nais na ng Hong Kong court na patawan ang mga kasangkot sa hostage-taking.

Sinusuway si P-Noy ng mga opisyal na dapat na umalalay sa kanya. Ano ang kahihinatnan ng bansa kung mismong si P-Noy ay ayaw sundin ng mga opis­yales na katulad nina Merci at Gonzalez. Abangan! 

CHIEF INSPECTOR ROLANDO MENDOZA

DEPUTY OMBUDSMAN EMILIO GONZALEZ

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

GONZALEZ

HELLO GARCI

HONG KONG

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MENDOZA

P-NOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with