AFP: pinaka-kawatan o pinaka-magiting?
AYON sa surveys, pananaw ng madla na pinaka-kawatang sangay ng gobyerno ngayon ang Armed Forces of the Philippines. Isa sa bawat dalawang Pilipino ang kasalukuyang may gan’ung opinyon tungkol sa Sandatahang Lakas. Kataka-taka, dahil nu’ng parehong buwan ng Pebrero, 2010, mataas ang tingin ng madla sa AFP. Dalawampu’t-tatlo sa bawat 25 Pilipino ang tumitingala dito bilang magiting na ahensiya.
Bakit biglang bumulusok ang imahe ng AFP? At bakit ngayon pa, kung kelan may transformation program upang lalong mapalapit ang kasundaluhan sa sibilyan?
Malinaw na nagkukulang ang AFP sa komunikasyon. Makikita ito sa dalawang larangan:
l Plea bargain ng Ombudsman kay dating AFP comptroller Gen. Carlos Garcia. — Umangal, pero palihim, ang Judge Advocate General’s Service na hindi kinunsulta ang biktimang AFP sa plea deal. Nang nilantad ang panlalait sa korte ng limang AFP civilian employees kay star witness Heidi Mendoza, tahimik lang ang AFP. Nang in-expose ni Col. George Rabusa ang pandarambong ng mga dating AFP chief of staff, hindi nilinaw ng AFP na nangyari lahat ito halos isang dekada na ang nakalipas. Pinagtakpan pa ng active-duty officers ang obvious na katiwalian noong 1999-2003.
l Pangmatagalang mga kilos. — Hindi naipapaliwanag ng AFP kung ano ang programang transpormasyon. Ang nakikita ng madla ay mga mali na pilit pinagtatakpan: Pagpatay kay botanist Leonard Co, di-malutas na pagdukot kay Jonas Burgos, di-kapani-paniwalang kawalan ng Dept. of National Defense ng ebidensiya ng katiwalian ni isa sa kasalukuyan, at patuloy na pagkatalo sa mga rebelde at separatista.
* * *
Makinig sa Sapol, tuwing Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending