^

PSN Opinyon

'Anak' (Blackmail/ Rape Story) Last Part

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

NAKAKASA na ang patibong na bibitag sa suspek na si Donato Luis Lopez o Niño dahil sa nais nitong makipagkita sa kanyang susunod na biktima na mismong kasamahang modelo ng kanyang unang biktima na si Abbie.

Subalit hindi na muling nagparamdam pa si Luis sa dalawang modelo kung kaya’t ipinatawag na ng NBI-NCR ang suspek sa pamamagitan ng summon.

Pebrero 25 taong kasalukuyan, nakatakdang humarap ang suspek sa NBI-NCR at sa kanyang biktima na kasa-ma ang BITAG, hindi namin inaasahan ang pagsulpot ng ama ng suspek.

Umiiyak at nagmamakaawa itong kakausapin umano ang biktima upang humingi ng tawad sa ginawang krimen ng kanyang anak.

Hindi ito pinahintulutan ng investigating agent ng NBI-NCR, noong mga oras na iyon nasa kabilang kuwarto ang biktima at sadyang hindi ito iniharap sa ama ni Luis.

Sa paghagulgol ng ama ng suspek, inaako na raw nito ang kasalanan ng kanyang anak. Takot na takot daw si Luis na nasa kanilang bahay habang ang kanyang halos otsenta anyos na ama ay humahagulgol sa harap ng BITAG at NBI-NCR.

Umamin ang ama ni Luis na kaya ganito ang asal ng kanyang anak ay dahil sa lumaki itong sunod ang lahat ng kanyang layaw.

Kaisa-isa subalit hindi nila tunay na anak ang suspek. Ga­ noon na lamang daw ang pagmamahal nilang mag-asa­wa sa suspek kung kaya’t siya na mismo ang humihingi ng tawad sa nabiktima nito. Subalit may batas na sinusunod ang kahit sino. Ang bawat paglabag ay may kaparusahan, bawat krimen ay dapat pagbayaran.

Nangako ang ama ni Luis na sa unang Lunes ng Marso ay ihaharap ang kanyang anak. Hindi ito nangyari at tuluyang hindi na nagpakita ang suspek, makailang beses nitong dinedma ang mga summon ng NBI-NCR.

Kaya’t tuluyang isinam-pa na ang kasong rape in relation to R.A 9262 o Violence against Women laban sa suspek na si Luis. Alam naming hindi pa rin lulutang ang suspek kaya’t hihinta-yin namin ang paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Kami mismo ang tutugis sa suspek na si Donato Luis Lopez para sa katarungang hinihingi ng Abbie. Kasalu-kuyang gumagala ang suspek at posibleng nagha-hanap ito ng kanyang mga susunod na biktima.

Tatlong coed pa ang nag­sumbong sa BITAG na kahalintulad sa modus na ginawa kay Abbie. Naniniwala kaming iisang suspek ang may kagagawan nito.

Sa sinumang may nalalaman sa kinaroroonan ng suspek na si Donato Luis Lopez, makipag-ugnayan agad sa BITAG sa mga sumusunod na numero: 9325310/9328919 at 09192141624.

vuukle comment

ABBIE

ALAM

AMA

BIKTIMA

DONATO LUIS LOPEZ

KANYANG

LUIS

SUBALIT

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with