^

PSN Opinyon

'Anak' (Blackmail/ Rape Story 2)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

IMPLIED ang katagang ginagamit sa mga nagmomo-delo ng hubad subalit may takip ang mga maseselang parte ng kanilang katawan, ito ang paliwanag ng biktimang si Abbie.

Hindi raw niya inaasahang eto ang huling ipapagawa sa kanya ng suspek na si Donato Luis Lopez. Nangam­ba ang biktima at hindi ito pumayag sa kagustuhan ng suspek.

Subalit sa isang bote ng tubig na ibinigay sa kanya ng suspek, nangyari lahat ang krimen.

Matapos inumin ng biktima ang nasabing tubig, nakaramdam daw siya ng pagkahilo, pananamlay at panghihina. Naisagawa ni Luis ang panggagahasa sa biktima.

Nagawa pa raw siyang ihatid ng suspek sa Cubao kung saan sila unang nagkita. Basta na lamang siya ibi­naba at tinangay ang kanyang laptop, wallet at iba pang mahahalagang kagamitan.

Dito lamang natauhan ang biktima at nagawang tawagan ang kanyang ilang kaibigan upang hingan ng tulong.

Pagkalipas lamang ng ilang araw, muling kinontak ng suspek ang biktima subalit may pagbabanta na ito.

Kinakailangan umanong sumunod ni Abbie sa lahat ng kagustuhan ni Luis dahil kung hindi, ipapakalat nito ang kaniyang mga hubad na larawan na kuha ng suspek.

Dalawa ang kahilingang hinihingi ng suspek na si Luis kay Abbie. Una ay ang kasamahan ng biktima na model din at bartender sa isang international resto bar sa Maynila.

Ang kasamahang modelo raw ni Abbie ang gustong kapalit ni Luis sa mga la-rawang hubo’t hubad ni Abbie. Ikalawa, perang nagkakahalagang isandaang libong piso.

Dito, isang patibong ang inihanda ng BITAG nang bisitahin namin ang kasamahang model ni Abbie sa pinagtatrabahuhan nitong international resto-bar kasama ang ahente ng NBI-NCR.

* * *

(Abangan ang huling bahagi…)

vuukle comment

ABANGAN

ABBIE

BIKTIMA

CUBAO

DALAWA

DITO

DONATO LUIS LOPEZ

IKALAWA

LUIS

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with