^

PSN Opinyon

'Anak' (Blackmail/ Rape Story)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

HAGULGULAN at iyakan, eto ang mga eksenang nasaksihan ng BITAG sa loob ng tanggapan ng National Bureau of Investigation-National Capital Region o NBI-NCR.

 Sa summon o pagpapatawag na ginawa ng NBI-NCR sa isang suspek ng pamba-blackmail at panggagahasa sa isang image model na lumapit sa BITAG, eto ang naging resulta.

 Hindi suspek ang sumipot sa tanggapan ng NBI-NCR kundi ang ama nito. Sa harap ng NBI-NCR investi­gator at BITAG, humagulgol at nagmakaawa ang halos otsenta’y anyos na ama.

 Ang suspek at siyang inirereklamo ng biktima, si        Donato Luis Villareal Lopez na kilala rin sa pangalang Niño.

 Ayon sa biktimang itinago namin sa pangalang Abbie, beinte dos anyos at kasalukuyang nagtatrabaho bilang bartender sa isang international resto-bar sa may Mall of Asia na isa ring part time model…

 Kinontak daw siya sa pamamagitan ng facebook ng suspek. Inalok siya nitong mag-model sa isang magazine na ilalabas pa lamang.

 Pakilala ni Luis, isa siyang magazine photographer. Sa telepono pa lamang daw, bading kung makipagtransaksiyon ito sa biktima.

 Kaya umano niyang doblehin o triplehin pa ang regular na talent fee ni Abbie. Hinikayat pa nito ang biktima na wag nang isama sa kanilang deal ang manager nito upang mas malaki ang kaniyang kitain.

 Napagkasunduan ni Abbie at ni Luis na sa isang condominium umano sa Makati gaganapin ang nasabing photo shoot.

Subalit sa araw ng ka­nilang pagkikita, sa isang motel sa Pasig siya dinala ng suspek, sa Jardin de Rosal. Naging palagay pa rin ang loob ni Abbie dahil sa kilos at galaw daw na ipinakita sa kaniya ni Luis, gay talaga ito.

 Dagdag ni Abbie, hindi niya inakalang bogus na photographer si Luis dahil kabisado nito ang mundo ng modeling. Mula sa mga posing, set-up at maging mga damit na kaniyang gagamitin.

 Naging normal ang     unang bahagi ng kanilang photo shoot. Tinanong raw siya ni Luis kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay na best pose sa pagmo-model.

 Kaya niya raw magpasexy kung saan ang kaniyang mga suot ay two piece o swim wear, na regular naman daw ginagawa ng mga kapwa niya modelo.

 Subalit nagsimula nang mangamba si Abbie ng pilitin siyang mag-implied o magpose ng hubad subalit may takip sa maseselang bahagi ng katawan. Bagay na hindi ginagawa ng biktima.

 Abangan ang ikalawang bahagi…

vuukle comment

ABANGAN

ABBIE

AYON

DONATO LUIS VILLAREAL LOPEZ

KAYA

LUIS

MALL OF ASIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with