^

PSN Opinyon

Editoryal - Mabuting pulis, masamang pulis

-

KAHANGA-HANGA naman ang ginawa ng dalawang pulis sa Biñan, Laguna. Isinauli nila nang buung-buo ang P700,000 cash at mga tseke na ninakaw sa isang rice mill noong nakaraang Linggo ng gabi. Nagresponde sina PO3 Crispin Antonio Sr. at PO1 Webster Ortiz sa isang report na mayroon umanong magnanakaw na pumasok sa Queen Elizabeth Rice Mill sa Bgy. Antonio, madaling-araw ng Linggo. Hindi nag-aksaya ng panahon ang dalawang pulis at pinuntahan ang lugar. Huling-huli nila sa akto ang suspect na nakilalang si Samuel Sarmiento, 27, isang truck helper na nagnanakaw. Sumuko nang mapayapa ang suspek at ibinigay ang mga perang ninakaw sa dalawang pulis. Agad namang ibinigay ng dalawang pulis ang pera sa kanilang superior nang walang kabawas-bawas. Pinuri ang dalawa sa kabutihan ng loob dahil sa pagsasauli ng pera. Nakatakda silang bigyan ng parangal ng city government ng Biñan.

Marami pang mabubuting pulis at mabibilang pa sa daliri ang masasama. Kailangan lamang ay ipagpatuloy ng kasalukuyang hepe ng Philippine National Police (PNP) ang reporma. Kailangang mabasag ang mga “bugok” na itlog sa PNP para maibalik ang pagtitiwala. Kapag naibalik ang pagtitiwala sa mga pulis, malaking achievement para kay PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo.

Kadalasang nasisilaw sa pera ang mga pulis at hindi na pinahahalagahan ang karangalan. Sinisira ang sarili dahil sa pagkagahaman sa pera. Isang halimbawa ay ang limang Manila policemen na dinagit umano ang bahagi ng ransom money para sa isang Malaysian. Umano’y P16-milyon ang ransom pero ang narekober ay P4-milyon na lang. Nagtago pa ang limang pulis-MPD. Lumutang lamang nang sabihin ni Manila Mayor Alfredo Lim na i-shoot to kill ang mga ito kapag hindi pa lumantad. Kakahiya ang limang pulis. Habang nagsusumikap ang PNP chief na linisin ang unipormeng maputik, dinudumihan naman ng mga masasama.

Tularan ang dalawang pulis sa Biñan na malinis at mabuti ang kalooban. Mga tunay na lingkod ng mamamayan.

CRISPIN ANTONIO SR.

LINGGO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

RAUL BACALZO

SAMUEL SARMIENTO

WEBSTER ORTIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with