^

PSN Opinyon

Renta, Tangay, Tubos (2)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

SA impormasyong ipinagkatiwala ni Allan sa BITAG hinggil sa tatlong malalaking sindikato na nasa likod ng modus na rent-tangay, inisa-isa niya ang estilo ng nasabing bawat grupo.

Unang grupo, ang Evangeline Protacio Group na kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame dahil sa patung-patong na kaso ng rent-tangay.

Estilo ng grupong ito, gamitin ang pangalan ng mga kilalang hotel na naghahanap umano ng mga rerentahang sasakyan para sa kanilang mga guests.

Sa umpisa, pakakagatin ang mga biktima dahil cash basis kung magbayad ang suspek. Di kalaunan, mag-iisyu na ito ng cheke sa biktima bilang bayad sa renta.

Sa huli, tumalbog na nga ang mga chekeng inisyu ng mga suspek, tinangay pa ng tuluyan ang sasakyan ng mga biktima. Huli na para malamang walang kinalaman ang mga ginamit na pangalan ng hotel sa grupo nila Protacio.

Ikalawang grupo, pinangungunahan ng suspek na si Cynthia Campos at ruth Fabon. Target naman ng grupong ito ang mga asosasyon, kooperatiba at mga mismong kumpanya ng mga nagpaparenta ng sasakyan.

Ayon kay Allan, madulas ang grupong ito nila Campos dahil hindi mahuli-huli ng mga otoridad ang suspek ng rent-tangay na si Campos. Habang ang kasama niyang si Fabon, labas-masok lamang sa kulungan.

Sa ngayon, naglay-low ang grupo ni Campos sa kanilang modus. Sa kasalukuyan, pang-e-estaffa ng mga alahas at imported furniture ang raket ng grupo nila Campos.

Ikatlo, ang kontrobersiyal na Dominguez Brothers na pangunahing suspek sa Lozano-Evangelista murder-carnapping case. Sa radar screen ng HPG, kabilang ang Dominguez Brothers sa labing-isang sindikato ng carnapping sa bansa.

Ayon kay Allan, ang Dominguez Brothers ang pinagpapasahan ng mga grupong nasa likod ng rent-tangay. Eto ang bumibili ng mga sasak-yang itinakbo ng mga suspek.

Subalit nagkakaroon ng problema sa parte ng Domi-nguez Brothers dahil sa sila   ang bagsakan ng mga tinangay na sasakyan, hindi na nila nakita na karamihan sa mga sasak-yang ito ay nakaalarma na sa HPG at deklarado ng karnap.

Dito, madaling matunton ng mga otoridad ang mga sasakyang nasa pangangalaga na ng Dominguez Brothers.

Makikita ang sabwatan at koneksiyon ng mga grupong nasa likod ng modus na rentangay. At ayon pa kay Allan, paborito nilang area of operation o playground ang mga probinsiya sa region 3.

Partikular dito ang lalawi­gan ng Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija atbp. Sa mga pro­binsiyang ito daw kasi ay madali nilang malusutan ang kanilang kaso kung saan sa piskalya pa lamang, lusot na sila.

Ganito ang nangyari sa isang kaso ng rent-tangay kung saan isang dating pari ang suspek.

Ang piskal ng regional trial court ng Pampanga na si Nereo Dela Cruz, agad pinakawalan pagdala sa kaniyang tanggapan ng mga operatiba ng HPG matapos ang entrapment operation sa suspek.

Abangan ang huling bahagi….

AYON

CAMP CRAME

CYNTHIA CAMPOS

DOMINGUEZ BROTHERS

EVANGELINE PROTACIO GROUP

FABON

NEREO DELA CRUZ

NUEVA ECIJA

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with