Jocobo Zobel Memorial Lodge 202

NANGUNGUMBIDA ang isang Kuyang sa Philippines my Philippines na si incoming Worshipful Master Terence Paul T. Coseip sa mga brethren para sa installation ng mga newly elected at appointed officers ng Jocobo Zobel Memorial Lodge 202, under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of the Free and Accepted Masons of the Philippines, this coming Saturday, March 12, 2011 na gagawin sa Jocobo Zobel Masonic Temple, dyan sa Sacred Heart St., San Antonio Village Makati sa ganap na alas-3 pm.

Sabi nga, opening of the lodge and installation of officers is tyled!

Ang mga bagong lupang hinirang este hinirang lang pala na mga opisyal ng nasabing loya ay sina Bro. Terence Paul T. Coseip, Worshipful Master, Bro. Glyn P. Palabrica, Senior Warden, Bro. Allan L. Guda, Junior Warden, WB Amando L. Melo Jr., PM, ingat salapi, VW Maverick B. Evangelista, PDGL, Secretary, VW Romeo R. Velasco, PDGL, Auditor, Bro. Felix I. de Guia, Chaplain, Bro. Cesar S. Roxas, Marshal, Bro. Seigiro F. Prudente, Senior Deacon, Bro. Jay M. Villalobos, Junior Deacon, VW Mauricio R, Valdez, PDGL, Lecturer, Bro. Dickson Wee, Almoner, Bro. Jose Isabello M. Gudoy, Senior Steward, Bro. James D. San Agustin, Junior Steward, Bro. Angelito S. Iya, Organist, Bro. Byron A. Carbonell, Orator, WM Marco Antonio A. de Guzman, PM, Harmony Officer at WB Francisco C. Isip, PM, Tyler.

Si VW Mariano J. Remoquillo, PDGL, ang installing officer, VW Ramoncito C. Turingan, PDGL, ang master of ceremonies, WB Francisco C. Isip, OM, assistant master of ceremonies. VW Sixto A Esquivias IV, DDGM, ang magbibigay ng past master award at si Most Worshipful Enrique L. Locsin, PGM, ang guest of honor at speaker.

Ang fellowship at umaatikabong tsibugan at inuman ay gagawin sa Makati Sports Center, pagkatapos ng nasabing ceremony.

Sabi nga, ni WM Terence, huwag na hindi kayo pupunta!

Abangan.

Gobierno gising na, tanghali na!

MATINDI ang naging effect ng sunud-sunod na pagtaas ng petrolyo kaya naman naggagalaiti sa asar ang madlang people porke may boomerang effect na ito sa mga pangunahin bilihin.

Tiyak sa nangyaring pagtaas ng mga produktong petrolyo unang papalag dito ang transport group kasi naman, halos kulangot na lang ang kanilang kikitain para sa mga pamilya ng mga driver.

Ang hindi pa tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung kailan ulit ang susunod na pagtaas kaya naman nananawagan tayo sa gobierno ng Republic of the Philippines na kalkalin nila ang problemang ito imbes puro pamumulitika ang pinaggagawa na hindi naman puedeng kainin ng mga madlang poor.

Huwag na sanang umabot ito sa madlang people na halos wala ng makain alam naman natin na baka sila kumapit sa patalim kapag hindi nabigyan ng maayos na solution ang lumalalang case problem.

Hindi biro ang nangyaring biglang pagtaas ng mga produktong petrolyo dahil kakahiga pa lamang natin para matulog hindi pa tayo nag-iinat bigla ng tumaas ang halaga nito at hindi pa tayo nakakatayo ay may kasunod ulit.

Sabi nga, anak ng kamote talaga!

‘Ano kaya ang magagawa ng gobierno para makalma ang madlang people dahil nakaumang  ang muling pagtaas ng mga presyo ng  bilihin including siempre dito ang tuition fees? Tanong ng kuwagong kargador.

‘Ano sa palagay mo Kamote?’

"Tiyak ko unano lang ang hindi tataas", sabi ng kuwagong haliparot sa Caloocan City.

‘Ano ba ang problema?’

‘Problema, malaki may giyera patani sa Libya na isa sa mga pinagnanakawan este mali pinagkukunan pala ng langis ng Philippines my Philippines,’ SPO-10 sa Crame.

‘Bakit, wala na bang ibang pagkukunan?’

‘Yan kamote ang itanong mo sa sarili mo!’ sabi ng kuwagong maninisip ng tayong.

‘Ano ang mabuti?’

‘Yan ang problema ng gobierno, lagapot,’ sagot ng kuwagong naglalako ng taho.

Abangan.

4 cock derby ni Kuyang Biyong

MAY pa derby si Atty Biyong Garing sa Victoria Cockpit Arena, sa Victoria, Oriental Mindoro, sa Abril 15, 2011 (Friday) at 6pm.

Sabi ni Kuyang Biyong, ang desired weight ng mga pantinola este mali pangsabong pala na manok ay 1.8 up to 2.4 kgs. Ang pot money ay P11thou, minimum bet ay P5.5 thousand ang guaranteed prize ay P200.000 o mas mataas P20thou sa handler at P10,000 sa gaffer.

Paalala ni Kuyang Biyong, ang submission ng weight ay 7am hanggang 12:00 ng tanghali.

Sa anuman katanungan maaring tumawag kay Tec Dagdagan sa 09321604223 at 09993571584.

Show comments