^

PSN Opinyon

Pag-aalala ng magulang

SAPOL - Jarius Bondoc -

MAY edad bang ganap na mananagot sa sarili ang mga anak? Darating ba ang panahon na manonood na lang ang mga magulang, sasabihin na “buhay nila ‘yan,” at wala nang mararamdamang pangamba?

Nu’ng paga-20 anyos ako, alalang-alala akong naghintay sa labas ng Emergency Room habang tinatahi ang ulo ng anak na nahulog mula sa puno. “Lilipas kaya ang ganitong pag-aalala sa kanila?” tanong ko. Sagot ng nurse: “Kapag lumipas na sila sa pagiging malikot.” Tahimik na napangiti ang mga magulang ko na naghatid sa amin sa ospital.

Nu’ng paga-30 anyos, nanliit ako sa munting upuan sa classroom habang pinapanood ang isa pang anak na walang-tigil dumaldal tungkol sa pagiging taga-alaga ng ahas paglaki. Nabasa ng titser ang isip ko: “Huwag kayo mag-alala, dumadaan silang lahat sa ganyan.” Tahimik lang na ngumiti ang magulang ko nang ikuwento ko ang eksena.

Nu’ng paga-40 na, tila habambuhay ako naghintay ku­miriring ang phone, pumarada ang kotse, at pumasok sa pinto ang anak na nag-date. “Huwag ka mag-alala,” payo ng kabarkada. “Kinikilala nila ang sarili; ilang taon na lang hustong edad na sila, magsasarili, kaya wala ka nang ika-ka-bahala. Muli tahimik na ngumiti ang aking magulang.

Ngayong paga-50, pagod na ako sa pag-aalala sa   mga anak. Pero heto pa ang sisti: Miski nagsasarili na nga sila, nangangamba pa rin ako sa kanilang mga pagkakamali, pinag-iisipan ang kanilang mga sama ng loob, at hindi makatulog sa kanilang mga problema. Ang masaklap, wala naman akong magawa. At tahimik pa rin ngumiti ang magulang ko.

Talaga ba’ng hindi hihinto ang pag-aalala ng magulang? Nu’ng makalawa, napabisita nang walang abiso ang panganay ko, kasama ang unang apo namin. “Nasaan ba kayo?” inis na usisa niya. “Maghapon at magdamag ako tumatawag pero hindi kayo sumasagot.

Siguro naiwan na naman ninyong naka-silent ang cell phone ninyo, ano?” At naisip ko, “Aba, naipasa ko na sa kanya ang pag-aalala.” (Halaw sa Internet)

vuukle comment

AKO

EMERGENCY ROOM

HALAW

HUWAG

KAPAG

KINIKILALA

TAHIMIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with