^

PSN Opinyon

Tuluy-tuloy na!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

BILOG talaga ang mundo. Hindi napigilan ng mga kaalyado ni dating President Arroyo sa Kongreso ang pagsulong ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Natalo sila sa botohan. Sa totoo nga, may mga kaalyado sila na mga Lakas-Kampi-CMD na bumoto para matuloy na ang impeachment! Natatandaan ko noon na walang kalaban-laban ang mga gustong mag-impeach kay Arroyo bilang presidente dahil napakarami niyang kakampi at kaalyado sa Kongreso. Kaya tatlong beses nabasura ang mga petisyon. Iba na ang usapan ngayon. Iba na ang mundo ngayon. Ngayon, nasa posisyon na ang Kongreso para tuluyan nang masipa sa tungkulin ang huling tagabantay ng mga Arroyo sa gobyerno.

At may mukha pa si Gutierrez na magsabing may bahid ng pulitika ang mga kilos sa Kongreso hinggil sa kanyang pagpapatalsik. Eh ano pa ba ang tawag diyan? Sino ba ang mga bumoto para protektahan siya? Hindi ba mga kaalyado ni Arroyo? Hindi ba pulitika ang naglagay sa kanya bilang Ombudsman? Hindi ba pulitika ang naging kilos niya sa ilang mga kaso laban sa mga kaalyado ng mga Arroyo katulad ni Jocjoc Bolante, na wala pang nasasampang kaso hanggang ngayon? Parang si Kadhafi na nga tingin ko sa kanya, kung saan lahat gusto na siyang mawala pero nagpupumilit pang manatili sa kapangyarihan, kasama ang iilan na lang! Napakaraming reklamo sa kanya ukol sa kanyang hindi pagtupad sa kanyang tungkulin, pag-upo sa mga kaso, pagpapalaya sa mga maliwanag na may sala, lahat na!

Mabuti na lang talaga at nagbago na ng administrasyon. Wala naman talagang kalaban-laban ang mga kaalyado ni Arroyo noong eleksyon at napuno na ang ma­mamayan sa kanya. Kaya hindi maintindihan ng marami kung bakit nagpupumilit pang manatili si Gutierrez kahit halos buong bansa ang wala nang tiwala sa kanyang pagganap ng kanyang tungkulin.

Malinaw na interes lang ng mga Arroyo at mga kaal-yado nito ang pinoprotektahan. Pero may mga kaalyado pa sina Arroyo at Gutierrez sa Korte Suprema, kaya baka may bakas ng lakas ng loob pa si Gutierrez. Malalaman natin iyan sa mga darating na araw, dahil nasa Korte Suprema na ang bola. Bilog ang hugis nun, kaya mag-ingat na lang ang lahat!

ARROYO

BILOG

JOCJOC BOLANTE

KAALYADO

KAYA

KONGRESO

KORTE SUPREMA

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with