Impeach Mercy Ok na sa SC

HATAW sa kalabaw, latay sa kabayo. Ito ang tingin ko sa namimintong impeachment case laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na kinakasuhan dahil sa “pag-upo” niya sa mga kasong isinampa sa kanyang tanggapan laban kay dating Presidente na ngayo’y Pampanga Governor Gloria Macapagal Arroyo.

Nagsalita na ang Korte Suprema. Ibinasura ang mos­yon ni Gutierrez na pigilin ang balak ng mga mambabatas na siya ay sampahan ng impeachment case. Pero mayroon pa rin namang panahon si Gutierrez na umapela sa Korte para mabago ang desisyon nito kaya hindi muna agad-agad masisimulan ang impeachment proceedings.

Natuwa naman ang ilang Senador sa desisyon ng Mataas na Hukuman. Ayon kay Senator Francis Pangi­linan hindi talaga dapat hadlangan ng SC ang impeachment complaint dahil trabaho ito at nasa jurisdiction ng Kongreso. “We welcome the Supreme Court’s ruling on the impeachment case against the Ombudsman,” aniya.

Siyempre, kung matutuloy ang impeachment ay ma-laking dagok kay Merceditas. Pero mas malaking dagok ito kay Rep. Macapagal-Arroyo na ang mga asunto’y muling mabubulatlat sa isang political arena.

Mayroon kasing perception na pinuprotektahan ng SC ang dating Presidente dahil nabibinbin lamang sa Ombudsman ang mga reklamo ng katiwalian laban sa kanya. Kaya ang hataw kay Merceditas ay malaking latay din kay Gloria kapag nagkataon.

Mabuting hakbang din ito para mapawi ang impresyon laban sa Mataas na Huku­man na ito’y protector ng dating Presidente ng Pilipinas. Pero kung gaano karami ang mga kalaban ni Rep. GMA sa Mababang Kapulungan, ganun din naman ang dami ng kanyang mga kakampi. Matinding ba­­litaktakan ito at tuligsa­an ng katuwiran.

Sabi nga, ang impeach­ment proceedings ay hindi puwedeng itulad sa gawain ng mga criminal courts. Sa impeachment case, pa­ ramihan iyan ng mga kakampi dahil matatawag itong political exercise. Hindi magpo-prosper ang isang impeachment case dahil sa merito ng kaso kun­di dahil sa bilang ng mga kakampi o kalaban.

Sa napipintong laba­nang ito, hindi si Merceditas ang tunay na kalaban kundi si Rep. Macapagal-Arroyo. Ang tanong, paano kaya magpa-participate si Rep. Gloria sa ganitong klase ng labanan?

Show comments