^

PSN Opinyon

Sino ang sumisira sa imahe ng COA?

SAPOL - Jarius Bondoc -

MAGKASABAY ang dalawang kaganapan nu’ng Huwebes tungkol sa papel ng Commission on Audit sa kaso ni military comptroller-plunderer Maj. Gen. Carlos Garcia. Sa Senado binunyag ni whistleblower Col. George Rabusa na 2% ang tinatanggap ng itinalagang COA resident auditor­ sa Armed Forces na parte sa kurakutan ng pondong militar. Samantala sa COA head office binatikos sa official press release si state auditor Heidi Mendoza dahil sa mga sinasabi niya na nakakasirang-puri sa COA.

Nasaktan si Mendoza, na noo’y nasa Senado, sa ngakngak ng ahensiyang pinagsilbihan nang 22 taon. Napaluha at nakiusap sa Blue Ribbon Committee na kung maari ay huwag na siyang pagtestiguhin tungkol sa mahirap na pag-special audit niya kay Garcia nu’ng 2004-2006. Kasi hindi raw niya mapipigilan ang sarili sa pagsiwalat ng katotohanan. Nauna na rito, sa Kamara de Representantes, nilantad niya na hindi lahat ng siyam ng auditors na in-assign ng COA sa kanya noon ay mapagkakatiwalaan. Dagdag pa niya, merong mga direktor sa COA na sinisiraan siya ng loob, na kesyo wala siyang matatagpuang ebidensiyang dokumento kung saan nakapirma si Garcia. At si noo’y COA chairman Guillermo Carague mismo, aniya, ay ayaw siyang patuluyin sa United Nations sa New York upang kumuha ng katibayan ng pa­ngungulimbat ni Garcia ng P200 milyong reimbursements para sa AFP peacekeepers. Imbis na harapin ng COA ang mga kritisismo ng isang masinop at malinis na auditor, tinira nito si Mendoza sa isang walang-pirmang press release.

Pero dahil nangyari ito habang binubulgar ni Rabusa ang mga pumaparte sa pagnanakaw ng perang sundalo, lumitaw ang malaking tanong: Sino ba talaga ang sumisira sa imahe ng COA, si Mendoza na naka-diskubre ng ebidensiya laban kay Garcia, o ang mga kawatang resident auditors na itinatalaga ng COA sa iba’t ibang ahensiya?

 

ARMED FORCES

BLUE RIBBON COMMITTEE

CARLOS GARCIA

COA

GARCIA

GEORGE RABUSA

GUILLERMO CARAGUE

HEIDI MENDOZA

MENDOZA

NEW YORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with