Norberto S. Amoranto Memorial Lodge 358
AT 3pm today isang mahalagang pagtitipon ang gaganapin sa Capitol Masonic Templo sa Matalino St., Diliman Quezon City dahil ngayon araw ang ika - 7th public installation of newly and appointed officers ng Norberto S. Amoranto Memorial Lodge 368.
Ang mga bagong hirang ng nasabing loya ay sina Bro. Reynaldo A., Garcia, bilang Worshipful Master, Bro Procoio G. Lipana, Senior Warden, Bro. Tony D. Ong, Junior Warden, Bro. Jerome T. Uy, Treasurer, WB Zito C, Ochoa, Secretary, VW Victor Antonio T, Espejo, Auditor, Bro. Allan F. Calderon, Chaplain, Bro. Ruben F Miranda, Marshal, Bro. Herbert Ryan C, Cansino, Senior Deacon, Bro. Mario P. Sibucao, Junior Deacon, Bro. Jose Dennis F,. Bongon, Orator, Bro. Ferdinand S., Taguda, Almoner, Bro. Joselito V. Menodza, Lecturer, Bro. Benjamin D. D. Elenzano Jr., Historian, Bro. Allan T. dela Cruz, Webmaster, Bro. Froilan G. Forteza, Senior Steward,, Brol. Ronal T. Perilla, Junior Steward, Bro. Rafael G. Estrada, Custodian of Works, VW Freddie B. Feir, Harmony Officer, Bro Soliven L. Usman, Organist, at WB Alex E. Soriano, tyler
Pagkatapos ng solemn na pagsasalin ng kontrata este mali posisyon pala para sa mga bagong officials ng loya sa Bureau of Soil Convention Hall, Visayas Avenue, Quezon City gagawin ang umaatikabong tsibugan blues.
Sabi ni incoming WB Rey Garcia, naghanda siya ng dalawang lechon baka, apat na lechon baboy, may 30 iba’t-ibang klase ng ulam, 50 kahon ng beer, 100 bote ng Johnny Black, 25 bote ng Johnny Blue echetera.
Ika nga, huwag kayong mawawala at kung maari ang bilin ni WB Rey Garcia na huwag kalimutan magdala ang mga guest ng mga lalagyan o plastic para sa mga matitirang ulam upang maiuwi nila ang mga ito sa kanilang mga pamilyang hindi nagsipunta.
Kaya huwag na huwag na hindi kayo dadalo sa nasabing simpleng pagtitipon.
Sports High School lusot sa Kamara
MATIBAY este mali napagtibay pala sa 3rd reading sa Kongreso ang panukalang butas este batas pala na layong magtatag ng Sports High School sa lahat ng rehiyon sa Philippines my Philippines..
Naaksyunan sa Kamara ang panukalang batas ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara para sa House Bill 3825 na magbibigay-daan sa pagtayo ng Philippine High School for Sports.
Bida ni Angara sa mga kuwago ng ORA MISMO, “Sports is one of the vital ingredients towards total human resource development and one of the foundations for a healthy citizenry,”
Sabi ni Angara sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang nasabing panukalang batas ang tutugon sa matagal nang problema ng Philippines my Philippines sa larangan ng palakasan, partikular sa paghubog at pagsasanay ng mga atletang magiging kinatawan ng Republic of the Philippines sa abroad. para sa pangding-ding este pangdaidigan palang laban.
Sa ilalim ng HB 3825 ni Angara, mabibigyan ng scholarships at basic secondaryeducation course na may pagtutok sa paghubog ng kasanayan sa palakasan ang mga estudyanteng may potensyal na maipursigeng pambato ng bansa sa mga kompetisyon.
Paglalaanan din ng special fund na may capital na P50 milyon ang Philippine High School for Sports.
Magmumula ang paunang pondo sa taunang kita ng PAGCOR.
Madaragdagan din ang nasabing pondo ng 10% ng kita sa mga hindi nakuha o forfeited na sweepstakes at lotto prizes na hindi hihigit sa 12 milyon sa loob ng apat na taon, gayundin ng alokasyon mula sa Department of Education.
Abangan ang eskuelahan!.
Inutil ang gobierno
MADLANG people of the Philippines my Philippines ang sumisigaw na inutil ang gobierno pagdating sa kapakanan nila.
Bakit?
Pabaya kasi ang pamahalaan at puro pustura lamang ang alam kaya naman maraming sektor sa bunbunan este mali lipunan pala ang ‘dismayado’ sa nangyayari ngayon.
Grabe as in grabe ang nangyayaring krimen at hindi basta patayan kundi mga karumal-dumal na patayan ang nangyayari.
Kailangan pa bang may magbuwis ng buhay bago kumilos ang gobierno.
Sabi nga, madalas silang huli sa aksyunan blues.
Pabaya as in pabaya talaga sila!
Kaya ang EDSA bus bombing ay political message kay P.Noy.
Ang pagbobomba ay message para kay P. Noy ng mga gago upang kumilos ito, magising at tugunan ang problema ng Philippines my Philippines paris ng poverty, corruption, kagutuman, carjacking, media killings.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simple lang ang problema sa carjacking.
Paano?
Wala naman at hindi lalaganap ang carnapping at carjacking sa Philippines my Philippines kung walang koneksyon sa mga authorities.
Sabi nga, mga nakapatong!
Abangan.
- Latest
- Trending