^

PSN Opinyon

Di dapat dumami ang lahi nina Bautista at Binayog

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

TULUYAN nang winakasan ni PO3 Antonio Bautista Jr. ang pagtatago sa kanyang kabaro matapos lumutang sa tanggapan ni Justice Sec. Leila de Lima kahapon ng umaga. Halatang balisa at bahag ang buntot ni Bautista ng personal na i-turn-over ni De Lima kay NBI director Magtangol Gatdula sa mismong lobby ng NBI office sa Taft Avenue, Ermita, Manila. Indikasyon ito na maging si Bautista ay walang tiwala sa kanyang kapwa pulis sa Manila Police District kung kaya kahit na sampal ito sa pamunuan ng MPD ay nagawa niyang sumuko kay De Lima upang makasiguro siya sa kanyang kaligtasan. He-he-he!

Mukhang wala na sa wisyo si Bautista na itinuturong nanggahasa at ninakawan pa ang sidewalk vendor. Iyan ang dahilan kaya siya nagtago sa mga kabaro. Mantakin nga naman ninyo mga suki, matapos hulihin umano ni Bautista ang tatlong babae noong December 31 ng madaling araw sa Avenida sa Sta. Cruz, Manila ay nagawa pa nitong pingasin ang puri ng hamak na sidewalk vendors at hindi pa nga nakuntento sa “laman” aba’y kinuha pa rin umano ang P4,000 na pang-media noche ng kawawang vendor. Kaya sa inis ng kanyang mga kabaro na MPD ay naglaan ito ng pabuya na P100,000 para sa ikadadakip sa kanya.

Ngunit dahil sa takot na itumba siya ng kapwa niya pulis sa MPD dahil sa kahihiyang idinulot niya sa imahe ng Manila’s Finest kaya siya lumutang kay De Lima. Ngunit ang kanya bang paglutang sa DOJ at NBI ay makatutulong sa kanyang nakahihiyang asunto? Marahil hindi dahil ang batik na idinulot niya sa MPD ay hindi basta-basta mabubura sa isipan ng mamamayan. Dahil pinasusuweldo siya ng sambayanang Pinoy kung kaya dapat lamang na alisin na siya sa hanay ng Philippine National Police upang ’di na pamarisan nino man. Get nyo mga suki!

Katulad din ni Senior Insp. Joselito Binayog na inalis ng National Police Comission (NAPOLCOM) sa serbisyo sa salang pangto-torture ng isang holdaper umano sa loob ng Asuncion Police Community Precints sa Tondo, Manila. Ganyan na ba ang kalakaran ngayon sa PNP? Marahil hindi, dahil ayon sa aking mga kausap sa MPD, mangilan-ngilan lamang ito sa kanilang hanay na dapat alisin at hindi nila papayagang dumami ang lahi ng mga ito. Kayat nanawagan sila sa kanilang kabaro na magbago na upang manumbalik ang tiwala ng sambayanan.

And speaking of pagbabago, mukhang salto na naman ang pamunuan ng Manila’s Finest Brotherhood Association Inc. dito. Dahil nakatanggap ako ng manifesto na pinipetisyon ng walong opisyales ng MPD-MFBAI ang kasalukuyang presidente na si Virgo Villareal na maalis sa puwesto dahil sa masali-muot nitong pamamalakad, he-he-he! 

Paano na ngayong kailangan sila ng may 26 na may ranggong Chief Ins­pector (Major in military) sa napipintong pagtapon ng PNP sa Mindanao sa darating na January 16 kung walang binatbat ang samahan ng MPD-MFBAI. Tiyak na suwak sa balde na ang mga ito dahil wala na silang boses upang tutulan ang pagtapon sa kanila. Matutulad na rin ba sila sa kapalaran nina Bautista at Binayog?

Kawawa lang si MPD   director Chief Supt. Roberto Rongavilla kung patuloy na magpapataasan ng ihi ang presidente na si Villareal at mga director ng MPD-MFBAI sa hinaha­rap. Kasi nga unti-unting magkakawatak-watak ang mga kasapi ng Manila’s Finest ng dahil sa kahinaan ng pamamalakad ni Villareal.

Kung talagang seryoso si Villareal sa kanyang pamumuno dapat lamang na iwasan niya ang pag-iintriga sa kanyang mga opisyales ng sa gayon respetuhin siya ng buong samahan. Di ba mga suki! Abangan!

vuukle comment

ANTONIO BAUTISTA JR.

ASUNCION POLICE COMMUNITY PRECINTS

BAUTISTA

CHIEF INS

CHIEF SUPT

DAHIL

DE LIMA

FINEST BROTHERHOOD ASSOCIATION

MPD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with