^

PSN Opinyon

Jueteng

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SA ilalim lang ng liderato ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Raul Bacalzo walang Christmas gift ang reporters ng PNP Press Corps. Noong mga nakaraang Disyembre, kahit papaano, me gifts ang nakaupong PNP chief sa reporters at kadalasan ay isang basket ng goodies. Hindi naman nagtatampo ang reporters dahil alam nilang hard times ngayon subalit nagtataka sila at nakalimutan sila ni Bacalzo. Sa ngayon kasi, kailangan ni Bacalzo ang lahat ng tulong, lalo na sa PNP Press Corps, dahil inaalog siya ng isang PNP official na hindi itinatago ang ambisyon na palitan siya. Ang ibinigay na palugit ng ambisyosong opisyal sa sarili niya ay ngayong Enero. At malaki ang role ng PNP Press Corps sa agawan ng puwesto nina Bacalzo at ambisyosong opisyal.

Hindi naman totoo na nakalimutan ni Bacalzo ang PNP Press Corps. Ang kumakalat na balita sa Manila Police District (MPD), ibinilin mismo ni Bacalzo sa isang aide niya noong unang linggo ng Disyembre na “Wag kalimutan ang mga kaibigan natin sa media.” Kaya nag-release ng P180,000 ang opisina ni Bacalzo para sa gifts ng miyembro ng PNP Press Corps. Kasabay sa release ang P120,000 naman na para sa Public Information Office (PIO). Kung ang PIO ay nagbigay ng cash gifts sa reporters noong Christmas party nila, bakit ang P180,000 ay nawala na parang bula? Ang tanong sa ngayon, sino ang tumanggap ng pondo? Dapat paimbestigahan ito ng katoto nating si Noel Alamar ng DZMM na presidente ng PNP Press Corps, di ba mga suki?

Kung sabagay, hindi dapat maging kuripot si Bacalzo kung Christmas dahil panahon ito ng giving at sharing. At isa pa, bukas na ang mga pasugalan, na ang karamihan ay front ng jueteng tulad ng “basketball 38” nina Marasigan, Gil Teppang at Perry Mariano sa Quezon City. At hindi rin pahuhuli ang bookies ng jueteng sa Pangasinan nina Boy Bata, Bebot Villar, Lito Millora at Mayor Orduna. Ang ibig sabihin ng mga kausap ko sa MPD, si ret. Bishop Oscar Cruz na lang ang hindi nakaaalam na nagsulputang muli ang jueteng, lalo na sa La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Baguio City at iba pa. Inutil talaga ang mga opisyales na itinalaga ni Bacalzo laban sa jueteng, lalo na si PRO1 Chief Supt. Franklin Bucayu, na ang padrino ay si Sen. Bongbong Marcos.

Kaya maliwanag mga suki, na dahil nagbukas muli ang jueteng, me pagkukunan na si Bacalzo ng pitsa para pambili niya ng Christmas gifts, hindi lang sa reporters kundi ma-ging sa mga lumalapit sa kanya sa Camp Crame. Mag-ingat lang si Bacalzo at maaring itong isyu ng pagbalik ng jueteng ang gagamiting armas ng ambisyosong PNP opisyal para sulutin siya sa puwesto. Hindi naman kaila na ang liderato ni Bacalzo ay kinukuwestiyon na hindi lang sa diyaryo, TV o radyo kundi maging ng sambayanan. At ang PNP Press Corps lang ang makatutulong para mapabango ang imahe ni Bacalzo. Kilos na Gen. Bacalzo Sir! Abangan!

BACALZO

BACALZO SIR

BAGUIO CITY

BEBOT VILLAR

BISHOP OSCAR CRUZ

BONGBONG MARCOS

PNP

PRESS CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with