Bagong Taon, bagong puwersa at mas pinalawak na serbisyo publiko!

MAPAYAPA at masaganang bagong taon sa lahat nga-yong 2011, mula sa bumubuo ng BITAG. Katulad ng lahat, mataas at positibo ang pananaw ng BITAG sa pagpasok ng taong ito.

Nitong nagdaang taon ng 2010, marami-rami ang nahulog sa patibong ng BITAG, may mga kasong mu-ling nabuksan na kinakailangang panghimasukan muli ng BITAG upang muling gumulong ang hustisya.

May mga imbestigasyon na nagmulat sa lahat kung saan aktuwal na nakita ang kilos at galaw ng mga sindikato at dorobo. Dito, natuto ang kahit sino na umiwas upang di mabiktima ng mga modus.

Ngayong 2011, mananatili ang pangil ng BITAG. Sa parehong krusada, sa mas pinalaking puwersa at mas pinalawak na operasyon, kikilos ang BITAG.

Luzon, Visayas at Mindanao, nananawagan ang BITAG  sa lahat ng aming taga-suporta, taga-subaybay at concerned citizen ng buong Pilipinas. Iparating sa aming tanggapan ang inyong mga tips, sumbong at impormasyon.

Nakatakdang bumiyaheng muli ang BITAG, tawid-dagat man upang asistehan ang mga sumbong at impormasyon na ipagkakatiwala niyo sa BITAG. Kabahagi ito ng pagpapalawak ng gawin ng BITAG sa ngalan ng serbisyo publiko.

Sa pamamagitan lamang ng inyong tawag sa aming telepono, text sa aming textline o sulat sa e-mail at website, makakarating sa aming tanggapan, anuman ang inyong mensahe at tips.

Mahalaga sa amin ang inyong kooperasyon at ipagkakatiwalang impormasyon. Makakatulong sa buong lipunan na matuldukan ang aktibidades ng mga kawatan at dorobo dahil sa inyong mga nalalaman.

Maging kabahagi ng    aming krusada, at sa taong 2011, inaasahan namin na mas maraming matutu­lu­ngan ang BITAG, mas ma­ra­ming manloloko ang mahu­hulog sa aming patibong at mas maraming abu­sado kaming makakaengkuwen-­tro.

Kaya LUZON, VISAYAS at MINDANAO, handa na ba kayong maging kabahagi ng BITAG?!

Show comments